“ANG ganda ng pagkakagawa ng pelikulang G! Ang akala ko the usual na barkada movie lang ang ganda ng twist. Malinis ang kuwento walang butas,” ito ang pahayag ng isa sa miyembro ng Cinema Evaluation Board na nagkuwento sa ilang showbiz events na dinaluhan namin.

G boys

Totoo naman kaya binabati namin ang buong cast ng G Tropa Movie sa pangunguna nina McCoy de Leon, Mark Oblea, Paulo Angeles at Jameson Blake kasama rin sina Kira Balinger, Jao Mapa, Rosanna Roces, Roxanne Barcelo, Moi Bien, Alora Sasam, Gio Alvarez, Patrick Sugui, Dominic Roque, Nick Parker, Lara Quigaman Alcaraz, at Joey Marquez mula sa Cineko Productions na idinirek ni Dondon Santos.

Napaka-realidad kasi ng kuwento ng G! na totoong nangyayari sa magkakaibigan na malalim na ang pinagsamahan dahil ipinakita ang damayan sa isa’t isa kapag may nangailangan, mga kalokohan ng bawa’t isa, mga away na sa huli ay nagkakasundo, at marami pang iba.

Tsika at Intriga

Moira Dela Torre, pinakawalan na ng management dahil sa attitude problem?

Inakala rin ng lahat na batay sa totoong buhay ang karakter nina McCoy bilang si Sam at Jameson as Dom sa pelikula dahil iisang babae ang gusto nila, si Kira na si Menchie.

Karelasyon kasi ni McCoy si Kira sa G! pero ang tunay na mahal ay si Jameson kaya hiyawan to the max ang mga nanood sa premiere night dahil true-to-life story raw.

Ex-girlfriend ni McCoy si Elisse Joson na dini-date ngayon ni Jameson at gusto naming iklaro na nu’ng sinu-shoot ang G! ay wala pang ugnayan ang dalawa.

Kaya nagkataon ang kuwento ng G! ay hawig sa dalawang aktor.

At ngayon lang din namin ito susulatin na siguro para kay McCoy talaga ang karakter na Sam sa G! dahil siya ang final choice na bumagay naman.

Unang ini-offer ito kay Iñigo Pascual pero hindi natuloy dahil nasa ibang bansa ang singer/actor.

Ikalawa ay si Khalil Ramos na dumalo pa sa storycon pero hindi rin nahintay dahil may commitment siya sa Japan na hindi rin nagtugma ang schedules.

Sabi rin ng mga nakapanood ay bumagay kay McCoy ang karakter dahil mukhang ‘baby boy’ na wala pang muwang sa lahat ng bagay.

Samantala, isa pang masasabing tunay na kaibigan ng G boys si Nick Parker na umuwi pa ng Pilipinas galing Europe kung saan siya naka-base para lang dumalo sa premiere night ng mga kaibigan na, aniya, ay suportado niya ang mga kaibigan dahil kapag nandito siya sa bansa ay welcome siya ng grupo.

Kahanga-hanga rin si Mutya Orquia na dumating na nag-iisa sa G Tropa Movie night, “I support my ate Kira.”

Magkasama sina Mutya at Kira sa teleseryeng Pamilya Ko na kasalukuyang umeere ngayon sa ABS-CBN bago mag TV Patrol.

At kahit buntis ay suportado naman ni GMA artist Chynna Ortaleza–Cipriano ang pelikula dahil ang asawang si Kean Cipriano ang sumulat ng soundtrack ng G.

Dumalo rin sina Jason Dy, Victor Anastacio (O-shopping), Luigi Revilla, Allora Sasam, Direk Jason Paul Laxamana, at marami pang iba.

Mapapanood na ang G! simula sa Setyembre 13 kasama sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 kasabay sa selebrasyon ng Sine Sandaan produced ng Cineko Productions.

-REGGEE BONOAN