Iba talaga ang Pinoy!

Naiuwi ni Pedro “Heneral” Taduran ang IBF World Title sa minimumweigth, matapos na pataobin si Samuel Salva sa kanilamng sagupaan Sabado ng gabi, sa Taguig City. (Larawan ni Rio Deluvio)

Naiuwi ni Pedro “Heneral” Taduran ang IBF World Title sa
minimumweigth, matapos na pataobin si Samuel Salva sa
kanilamng sagupaan Sabado ng gabi, sa Taguig City. (Larawan ni Rio Deluvio)

Isang bagong usbong na Filipino boxer ang muli na namang nagbigay ng karangalan sa bansa sa pamamagitan ni Pedro Taduran matapos nitong biguin ang nakalabang si Samuel Salva sa loob lamang ng apat na rounds upang tanghaling bagong IBF Minimumweight World Champion.

Nagtapos sa isang makapanindig balahibong eksena ang nasabing labanan kung saan natataranta ang lahat na bigyan ng hangin ang lupaypay na si Salva matapos na paluhurin ni Taduran na ginanap Sabado ng gabi sa Philippine Marine Corps sa Fort Bonifacio sa taguig City.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Hindi naging madali para sa 22-anyos na si Taduran na makuha ang panalo gayung sinindak ito ni Salva sa opening round na siyang numero unong bigatin sa IBF ranking.

Patas ang naging labanan sa ikalawang round, ngunit nakakuha ng pagkakataon si Taduran sa ikatlong round na pagurin si Salva.

Gayunman, sinubukan ni Salva na makabawi sa ikaapt na round ngunit hindi pinayagan ng referee ang kanyang ginawang headbutt, na sinamantala naman ni taduran upang magpakawala ng kombinasyon hanggang matapos ang nasabing round.

Hindi nakuhang tumugon ni Salva sa kanyang pagkahilo nang magbigay hudyat na ang referee sa ikalimang round kung kaya pinagdesisyunan na nito na tapos na ang laban sa TKO o Technical Knockout pabor kay Taduran.

“Sobrang saya ko po ngayon dahil nag champion po ako. Pangarap kop o ito buhat po noong bata pa ako,” pahayag ni Taduran na tubong Albay sa isang panayam sa kanya, matapos ang labanan.

Gayunman, nag-alala pa rin si Taduran sa kinahinatnan ng kalabang si Salva, kung kaya nag hiling niya ay manatilin gitong nasa mabuting kalagayan, sa kabila ng nangyari.

“Sana naman walang masamang nangyari sa kanya,” ayon pa kay Taduran.

“This guy is a beast,” pahayag naman ng international matchmaker na si Sean Gibbons, na siyang presidente ng Manny Pacquiao na MP Promotions.

Ayon kay Gibbons hihilingin niya sa IBF na mabigyan ng pagkakataon si Taduran na makakuha ng voluntary defense sa Tokyo sa Bagong Taon ng 2019 bago matugunan ang mandato.

Samantala, bilang trainer sinamahan ni Joven Jimenez si Salva, sa St.. Luke’s Global City para sa mga laboratory test na negatibo naman ang naging resulta.

“Akala ko iba na ,” ani Jimenez, na siya ring lead trainer ni Jerwin Ancajas.

Dahil sa kanyang panalo, naitala ni Taduran ang rekord na o 14-2 panalo talo, kung saan ay halos kapareho na niya ang mga bayaning boksingero ng bansa na sina Manny Pacquiao, Nonito Donaire Jr.,at Jerwin Ancajas bilang mga title holder sa World Championship.

-NICK GIONGCO