MATAPOS makalusot sa qualifying meet para sa 2020 TokyoSummer Olympics, nakamit ni Pinoy pole vaulter Ernest John Obiena ang No. 10 sa pinakabagong world ranking na inilabas ng International Association of Athletics Federation (IAAF).

Tinanghal na unang Pinoy na nakakuha ng slots sa Tokyo Games at kauna-unahang atleta sa athletics na sasabak sa quadrennial meet sa pamamagitan ng qualifying tournament nang malagpasan ang 5.80 meters na standard measures sa nagawang 5.81 meters sa SALTO CON

L’ASTA MASCHILE , isang IAAF meet na ginanap sa Chiara, Italy.

Inaasahang tataas pa ang ranking ng 24-anyos na si Obiena sa kanyang pagsabak sa World Championships na gaganapin sa Doha, Qatar sa Oktubre.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Ngunit, bago tuluyang sumabak sa Olimpiyada ang 23-anyos na si Obiena, paghahandaan niya ang nalalapit na 30th Southeast Asian Games (SEAG) sa Manila sa Nobyembre.

Patuloy ang kanyang training sa pangangasiwa ng Russian coach na si Vitaly Petrov.

-Annie Abad