POSITIBO si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman at Team Philippines Chef de Mission William “Butch” Ramirez na walang balakid sa pagbili ng kailangang kagamitan sa 30th Southeast Susan Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

“We have a few months left. But we have ample time to purchase all the necessary equipment needed by the NSA in hosting their events,” pahayag ni Ramirez.

Siniguro ni Ramirez na makukuha ng mga national sports associations ang kanilang mga sports equipment bunsod na rin ng pakikipagtulungan ni Philippine Olympic Committee (POC) Bambol Tolentino.

“The PSC and the POC, through Cavite Rep. Abraham “Bambol” Tolentino have taken steps to ensure that the national sports associations will have their equipment ready for the hosting of the SEA Games,” aniya.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Ibabase ng PSC ang pagkuha ng equipments ayon sa hiling mismo ng NSA na siyang ipaparating naman sa kanila ng Philippine Southeast Asia Games Organizing Committee (PHISGOC).

“These equipments will be based on the requests of the NSA. The Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc) will inform us of the requirement based on the NSA requests to the PSC, which will provide the financial assistance for their purchase,” paliwanag ni Tolentino.

Samantala, naniniwala naman si PHISGOC chairman Allan Peter Cayetano na mas maraming kabataang ang maaring kuminang sa larangan ng sports sa pamamagitan ng suporta ng gobyerno at ang magiging susi ng tagumpay ng bansa sa SEAG.

Ayon kay Cayetano, malaki ang kanyang pasasalamat kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagpupursigi na suportahan ang pamlakasang aspeto ng bansa, lalo na ang mga atleta at ang hosting para sa 11- nation meet.

“We can get more youth into sports if we give more support. And for this reason, I thank President Duterte for his political will to help sports,” pahayag ni Cayetano

-Annie Abad