ISASAGAWA ng Antipolo City Youth Chess Club Inc. ang 2019 Individual Chess Championship sa Setyembre 15 sa Robinsons Place Antipolo City.

Ito ay bukas sa lahat ng manlalaro na ang rating ay hindi lalagpas sa 2100, ayon kay tournament organizer Mr.Ryan Loberiano na nakuha ang suporta sa Robinsons Place Antipolo Lingkod Pinoy.

May P5,000 at trophy ang nakalaan sa magkakampeon habang P3,000, P2,000 at P1,000 sa 2nd at 3rd place.May tig P500 naman ang maiuuwi ng 4th to 8th place.

Para sa karagdagang detalye, makipag-ugnayan kay organizer Mr.Ryan Loberiano sa 0977-167-2668 at 0999-689-2897.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?