GINAPI ni Woman International Master Mikee Charlene Suede si Natori Biazza Diaz sa pinakamahabang duwelo sa unang araw ng kompetisyon sa 2019 National Women’s Championship – Grand Finals kahapon sa Philippine Academy for Chess Excellence (PACE) sa Mindanao Ave., Project 6, Quezon City.

PINANGASIWAAN ni Grandmaster Eugene Torre (nakatayo) ang opening ceremony ng 2019 National Women's Chess Championship nitong Martes sa PACE headquarters sa Quezon City.

PINANGASIWAAN ni Grandmaster Eugene Torre (nakatayo) ang opening ceremony ng 2019 National Women's Chess Championship nitong Martes sa PACE headquarters sa Quezon City.

Naungusan ng 25-anyos na si Suede, pambato ng University of the Philippines, si Diaz sa dikdikang laban para makisosyo sa maagang liderato kina WFM Shania Mae Mendoza, WIM Marie Antoinette San Diego at WIM Kylen Mordido sa 14-player, 13-round tournament na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP), sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC), sa pamumuno ni Chairman William ‘Butch” Ramirez.

Pinataob ni Mendoza si WCM Mira Mirano, nangibabaw si San Diego kay WFM Allaney Jia Doroy at nagwagi si Mordido kay May Ann Alcantara.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Natapos naman sa draw ang laban nina top seed WGM Janelle Mae Frayna at WIM Catherine Perena-Secopito, gayundina ng duwelo nina WIM JanJodiyln Fronda at WIM Bernadette Galas at Samantha Umayan at Rizalyn Jasmine Tejada.

Nakataya sa torneo ang slots para sa Philippine team na isasabak sa World Chess Olympiad sa susunod na taon sa Khanty-Mansiysk, Russia.

Nakamit naman ni Frayna ang korona sa blitz tournament champion. Nakamit ni Frayna, unang Pinay na nakasungkit ng WGM title, ang kabuuang 10.5 puntos sa 13 laban.