KAHIT wala ang kanilang coach na si TY Tang at lead guard na si Jimboy Pasturan, nakuha pa ring makabalik ng College of Saint Benilde sa win column ng NCAA 95 Men's Basketball Tournament.

Dahil sa pamumuno ni Fil-Am forward Justin Gutang na nagtala ng 14 puntos, 8 rebounds at 2 assists upang ihatid ang Blazers sa 74-66 na panalo kontra Jose Rizal University nitong Biyernes.

Dahil sa ipinakitang game-long brilliance ni Gutang, nagawang maitawid ng CSB ang laro kahit wala si Tang na suspindido ng isang laro at si Pasturan na may injury sa balikat.

Nagawa ring makabangon ng Blazers mula sa kinasadlakang back-to-back losses at umangat sa ikalawang puwesto ng standings sanhi ng ipinakitang laro ng kanilang 6-foot-3 all-around player.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Dahil dito, nahirang si Gutang para maging Chooks-to-Go Collegiate Corps NCAA Player of the Week.

"We were really struggling and haven't been playing well kahit sa practice. Hopefully, with this win, we can find our groove again," ani CSB deputy coach Charles Tiu.

Tinalo ni Gutang para sa lingguhang citation sina San Sebastian standouts Allyn Bulanadi at Alvin Capobres.

-Marivic Awitan