ISA sa pinaka-aabangang pelikulang magbubukas sa Setyembre 13 na kasama sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 ay ang Cuddle Weather nina RK Bagatsing at Sue Ramirez, handog ng Regal Entertainment.

sue

Gagampanan nang dalawang artista ang karakter na Adela bilang pokpok o prostitute at si Ram bilang male escort.

Base sa panayam kay Sue sa nakaraang mediacon ay tinalakay ng pelikula ang buhay ng lahat ng babae, hindi lang ang pokpok per se.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

“Hindi lang naman tungkol sa mga pokpok. Kuwento nating lahat ito. Na whatever you do in life, karapat-dapat kang mahalin, at karapat-dapat kang magmahal,” paliwanag ng aktres.

At dahil Cuddle Weather ito ay inamin nina Sue at RK na hindi lang naman laging sex ang puwedeng gawin kapag masama ang panahon, puwede ring magyakapan lang at magkuwentuhan.

“Masarap mag-kape. Masarap ang yakap. At the end of the day, I think yun ang pinakamasarap na physical interaction between two people. ‘Yung sex kasi nakakapagod yun. You just have to stand there and wrap your hands around somebody and you feel the warmth of somebody. Tingin ko yun ang pinaka-intimate physical interaction between two people: cuddling,” katwiran ni Adela.

At kapag nakakakita ng hubad na katawan si Sue ay wala siyang malisya.

“Ako wala akong malisya s a k a t a w a n . I don’t sexualize my body. Hindi siya ganun ka big deal. Siguro ito rin ang mag-o-open ng mata ng mga tao na huwag i-sexualize ang bodies natin too much.

“ W e should open o u r minds m o r e n a huwag tayong masyadong s e n s i t i v e . That’s how I am as a person. Isa po akong bargas na babae. Hindi issue sa akin na magsabi ng private parts ng tao. Hindi ako na-o-offend.”

“Tanggapin mo kung paano mo pakikinggan ang mga salita. Depende pa rin sa atin ‘yon, paano sa naririnig natin. Words are just words and how you react to it is up to you.” Dagdag pa, “Wag tayong maging sensitibo.”

“Bakit nga ang daling sabihin ang penis pero ang hirap sabihin ng tit*? Pero pareho lang naman siya ng ibig sabihin. Siguro eye-opener ang film na ito na mas tanggapin natin ang mga salita.”

-Reggee Bonoan