PINAGSAMA-SAMANG drama, action, at kilig ang all-new line-up ng primetime shows na ikinakasa ng GMA Network para simulan ngayong buwan.

beautiful justice

Pambungad na handog ng Kapuso Network sa magkakasunod na primetime offerings ang Beautiful Justice sa September 9. Bago sa mata at panlasa and magagandang bida nito na sina Bea Binene, Gabbi Garcia, at Yasmien Kurdi.

Magsasanib puwersa ang kanilang characters para ipaghiganti ang pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay. Makakasama nila sina Derrick Monasterio at Gil Cuerva na gaganap bilang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agents.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Simula naman sa September 16, muling mapapanood ang Kapuso prime actor na si Alden Richards sa mapanghamong papel bilang si Sep, ang visually-impaired na fruit vendor sa Divisoria na may kakayahang makita ang nakaraan at ang magaganap pa lamang. May pamagat na The Gift, tatalakayin ng bagong TV series ni Alden ang pag-asa, pagbabago o transformation, at inspiration. Mula sa direksiyon ni LA Madridejos, makakasama ni Alden sa soap drama sina Elizabeth Oropesa, Mikee Quintos, Jo Berry, Rochelle Pangilinan, Betong Sumaya, Martin del Rosario, Thia Thomalla, Ysabel Ortega, Tetay, at Jean Garcia.

Mapapanood din sa primetime sina Ken Chan at Rita Daniela sa One of the Baes, isang millennial fairytale na magpapakilig sa televiewers. Produced ng GMA Public Affairs, tampok sa serye ang pakikipagsapalaran sa buhay ng ating Filipino seafarers sa pamamagitan ng kuwento nina Jowalyn (Rita) at Grant (Ken). M a y a m a n pero mabait na envi ronment a l vlogger si Grant samantalang matapang na dalaga naman si Jowalyn na nangangarap na maging kapitan ng barko.

Panghimaga s sa Kapus o primetime line-up ang top-rating Korean hit drama na Mr. Sunshine, tungkol sa batang lalaki na isinilang na alipin pero nakatakas at nakarating ng Amerika at bumalik sa Joseon kalaunan bilang United States Marine Corps officer.

Ang much-awaited drama ay magsisimula sa September 2, bida ang Hollywood actor na si Lee Byung Hun bilang Eugene Choi, na makikilala at iibig sa aristocrat’s daughter na si Go Ae-sin, gagampanan ni Kim Tae-ri.

Samantala, ibabalik din ng Siyete ang award-winning romance anthology na Wagas simula September 2, sa timeslot bago umere ang Eat Bulaga.

Magbabalik na rin ang The Clash musical competition para tuklasin ang susunod na singing sensation.

Mapapanood tuwing Sabado at Linggo simula September 21, masusubaybayan ang journey ng Top 64 contenders para sa katuparan ng kanilang pangarap. sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang bagong Clash Masters, at magbabalik naman bilang judges sina Lani Misalucha, Christian Bautista, at Ai Ai delas Alas. Join din sina Ken Chan at Rita Daniela bilang The Clash Journey hosts.

Abangan ang exciting all-new line up ng mga bagong programa ng GMA ngayong September.

-DINDO M. BALARES