NAGSIMULANG kumalat ang piniratang Hello, Love, Goodbye, digital at hard copy, nang pumasok sa fifth week sa mga sinehan ang super blockbuster movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Kathryn at Alden (DINDO)

Nagbunsod kay Katotong RK Villacorta ng Paparazzi para sumulat kung existing pa o kung may saysay pa ba ang Optical Media Board, nang mapanood niya ang Hello, Love, Goodbye na ipinalabas sa nasakyang bus pauwing probinsiya.

Last Tuesday sa isang showbiz event, hot topic ng reporters ang naglipanang pirated DVD copies sa mga tiangge at inilalako na rin maging sa Morato area na napakalapit sa ABS-CBN.

Kalokalike ni Awra Briguela, mas maganda pa raw sa kaniya

Marami ring nakakasakay ang mga katoto sa FX/vans na kuntentong nanonood ng digital copy nito.

Iisa ang sagot kapag tinatanong nila kung saan nakakakuha ng kopya: “Ipinadala sa Messenger (app).”

Lahat ng kopya, digital man o hard copy, ay napakalinaw.

Walang duda na kumita na ng napakalaki ang Hello, Love, Goodbye. Sa huling post ng Star Cinema people last August 23 ay tumabo na sila ng mahigit P838M, worldwide gross. May inside stories na kumakalat na umabot na ito sa P1B, pero tahimik tungkol dito ang Star Cinema.

Biru-biruan sa showbiz ang kawalan daw ng gana ng pirates na kopyahin ang flop movies, pero hindi naman makatarungang porke tumabo ay libre nang piratahin. Pero may good news, dahil kahapon ay nag-post nito ang ad-prom head ng Star Cinema na si Mico del Rosario:

“Krimen po ang pamimirata at pagpapalabas ng mga pelikula o programa na dinownload at pinasa-pasa. Krimen po ang pagkuha ng video habang nagpapalabas ang mga pelikula sa sinehan. Krimen po ang pagpasa ng materyal sa social media. Sana po ay huwag nating ituro sa ating mga anak na OK lang na manguha ng materyal na dapat ay ineenjoy natin sa tamang paraan. Mas masarap maging marangal. Mas masarap magpakain ng mga kapamilya na malinis ang pinagkunan ng perang ipinambili ng kakainin. magandang umaga. Salamat OMB. #NoToPiracy.”

Caption ito sa photo card na nagsilbing announcement ng OMB na naglalaman ng mga sumusunod: “The Optical Media Board conducted an enforcement operation today, August 28, 2019 at the Perañaque Integrated Terminal Exchange (PITx) to validate reports received that the movie Hello Love Goodbye is being aired illegally by city and provincial buses. Buses operated by Metro Manila Bus Co. a d Saulog Transit were caught in the act of exhibiting the said movie in their televisions. OMB agents were able to confiscate USB flash drives containing multiple pirated movies including Hello Love Goodbye. A SanTrans Corporation bus was also caught showing a pirated copy of the movie Avengers saved in a USB Flash Drive. Metro Manila Bus Co., Saulug and SanTrans Corporation are facing possible administrative and criminal charges for violations of Republic Act No. 9239, otherwise known as the Optical Media Act of 2003. If found guilty, person/s responsible will face maximum imprisonment of up to six years and a fine of up to One Million Five Hundred Thousand Pesos (Php1,5000,000).”

So, existing at may saysay pa rin naman pala ang OMB, kahit na papaano.

-DINDO M. BALARES