SA kanyang naging pagbisita sa Pilipinas nitong pag-uumpisa ng taon, siniguro ni US Secretary of State Mike Pompeo na “any armed attack on any Philippine forces, aircraft, or public vessels in the South China Sea will trigger mutual defense obligations under Article 4 of our Mutual Defense Treaty.”
Tinutukoy ni Secretary Pompeo, ang Mutual Defense Treaty (MDT) na nilagdaan ng US at Pilipinas noong Agosto 30, 1958. Ang MDT ang isa sa mga pundasyon ng mahaba at makasaysayang pagkakaibigan sa pagitan ng dalawang bansa. Nasasaad sa preambulo
ng MDT: “Recalling with mutual pride the historic relationship which brought their two peoples together in a common bond of sympathy and mutual ideals to fight side-by-side against imperialist aggression during the last war.”
Kailangan nating alalahanin na pinagtibay ang MDT limang taon matapos ang pananakop ng Amerika sa Pilipinas. Ang ‘espesyal’ na ugnayan ay napagtibay nang masama ang Rebolusyong Pilipino laban sa mga Espanyol sa Digmaang Espanyol-Amerikano na nagresulta sa Digmaang Pilipino-Amerikano noong 1899-1902. Nagbigay daan naman ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang pananakop ng mga Hapon upang lumaban nang magkasama ang mga Pilipino at mga Amerikano.
Marami ang nagbago sa loob ng 68 taon ng operasyon ng MDT. Nagbago ang politikal at ekonomikal na posisyon ng dalawang bansa. Higit na mahalaga, ang radikal na pagbabago ng ‘global order’ mula noong 1950. Ito ang dahilan kung bakit may mga panawagan para muling pag-aralan at palakasin ang kasunduan.
Inanunsiyo ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel “Babe” Romualdez na nagpupulong na ang dalawang bansa, sa pamamagitan ng mutual defense board, upang palakasin ang 1951 Mutual Defense Treaty. Sinabi ni outgoing US Ambassador Sung Y. Kim, na bukas ang US sa planong pag-aralan muli ang MDT na anila’y “any document, especially an agreement that important and that complicated, always needs to be looked at very closely as the circumstances surrounding the agreement or the alliance evolves.”
Ang sentimyentong ito ay mahigpit na isinusulong ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na humihikayat na muling pag-aralan ang kasunduan sa United States dahil “the security environment in the region has become much more complex since the countries’ Mutual Defense Treaty was drawn up 68 years ago. Indeed, a number of developments have resulted in a sea change in geopolitics and security.”
Nilagdaan ang MDT sa panahong nangingibabaw ang Amerika sa politika at ekonomiya. Ngayon, ang kapangyarihang ito ay maaaring maagaw ng umaangat na mga bansa tulad ng China at Russia sa pamamagitan ng tradisyunal na domisyon sa rehiyon.
Pinagtibay ang kasunduan ilang taon matapos itatag ang United Nations (UN) noong 1945 at ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) noong 1949. Sa kasalukuyan, binigyang-diin ng mga eksperto sa politika ang pagbaba ng multilateralismo at pagdaigdigang pakikipagsosyo habang nagbibigay daan ang global na balangkas para sa kalakalan at pananalapi sa mga “state-led regional initiatives” at bilateral na kasunduan. Ang kawalan ng kakayahan ng mga internasyunal na samahan na magkaroon ng isang pinagkasunduang pahayag hinggil sa ekonomiya at climate change ang nagpapakita ng transpormasyong ito.
At bagamat sakop ng MDT ang “armed attack in the Pacific Area on either of the Parties” hindi nito inaasahan ang nagbabagong paraan ng pag-atake dahil sa mabilis na pagbabago ng makabagong mga teknolohiya. Ang cyber attacks sa mga pamahalaan at negosyo, mga technology-centered attack sa politikal na sistema, privacy at big data issues, ang ilan lamang sa mga pag-atake gamit ang teknolohiya sa bagong sistema ng mundo.
Kaya naman makalipas ang 68 taon, kasama ng napakaraming mga pagbabago sa takbo ng politika at seguridad sa daigdig, panahon na upang muling balikan ang MDT at pag-aralan kung paano ito makakaagapay sa panahon at tutugma sa nagbabagong ugnayan ng Pilipinas at Amerika.
-Manny Villar