GUMAWA ng malaking upset win si Philippines’ youngest Woman Fide Master (WFM) 45th seed Antonella Berthe “Tonelle” Murillo Racasa (elo1380) matapos gulatin si 10th seed Katerina Braeutigam (elo 1808) ng Germany para makopo ang ika-2 sunod na panalo sa Under-12 girls’ division event ng World Cadet Chess Championships nitong Linggo sa Yujing Hotel sa Weifang, Shandong, China.Ang 12-year-old student ng Home School Global bet Racasa ay nagwagi sa ika-31 sulong ng London System Opening tangan ang puting piyesa tungo sa 3.5 puntos. Nakisalo siya sa 14th hanggang 22nd placers kasama si 15th seed Kate Yuhua Jing (elo1671) ng Canada, ang kanyang sixth round opponent.

NAITALA ni Racasa (kanan) ang pinakamalaking panalo sa torneo.

NAITALA ni Racasa (kanan) ang pinakamalaking panalo sa torneo.

“Big upset win for Antonella Berthe. She waylaid the 10th seed Katerina Braeutigam of Germany. Their rating difference is a whopping 428 points! Thank you Lord,” sabi ng ama at coach na si Roberto Racasa na isang International Memory champion at founder at ama ng Memory Sports sa Pilipinas.

Ang kanyang kampanya sa China ay suportado nina Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) chair at CEO Andrea Domingo, D. Edgard Cabangon ng ALC Group of companies, Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos at Councilor Charisse Abalos, Mr. Rogelio Lim ng Boni Tower at Makati Medical Center President at Chief Executive Officer Rose Montenegro.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!