PASISINAYAHAN ng Philippine South East Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) ngayon ang Subic-Clark Cluster na gaganapin sa ASEAN Convention Center sa Clark Freeport Area, Pampanga.

Kabuuang 6,000 volunteers buhat sa mga katuwang institusyon sa Central Luzon, gayundin angm ga unibersidad sa bansa ang magtitipon bago simulan ang formal training.

Buhat nang simulan ang Volunteers Program nitong Abril, 36 na katuwang na institusyon, karamihan sa unibersidad at kolehiyo sa Metro Manila, Northern at Central Luzon ang nakipagtuwang na sa PHISGOC upang makibahagi sa biennial meet.

Umabot na sa 20,000 na aplikante para maging volunteer ang siyang tumugon na sa panawagan ng PHISGOC.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“Based on our experience in the recruitment stage, we felt that the spirit of volunteerism and nationalism was really very strong. We hope to sustain them during and until the end of the games on December,” pahayag ni Chris Tiu, PHISGOC Deputy Director for the Volunteer Program.

Ayon kay PHISGOC Chief Operating Officer Ramon Suzara, mangangailangan ng 3,150 volunteers sa Metro Manila, habang kailangan punan ang 2,250 at 1,980 sa Clark at Subic, ayon sa pagkakasunod.

“During the interviews, there were applicants who came as far as Marawi and Cagayan and an OFW who came from Singapore. There were teachers, community workers, professionals and others who brought their entire family to sign up as volunteers,” pahayag ni Tiu.

“We hope to meet more volunteers and anticipate to hear more heart-warming stories of volunteerism as well as pledge to serve our country and for the success of the 30th SEA Games,” aniya.