ANG layo na ng narating ng Star Cinema movie na Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Halos naipalabas na sa iba’t ibang bansa ang pelikula at malakas pa rin ang demand nito. Hanggang sa September ang nabasa naming schedule ng international screening ng movie at sa South Korea na maraming mga Pinoy.

Kathryn at Alden

Heto pa, ang Hello, Love, Goodbye ang first Filipino film na ipalalabas sa prestigious Dubai Opera. Sa August 25 ang schedule ng screening and by today, available na ang ticket. May 2,000 seating capacity ang Dubai Opera at kung mabili lahat ang ticket, malaking dagdag ‘yun sa box-office gross ng movie. Curious ang netizens kung magkano ang ticket sa screening dahil iba ang Dubai Opera.

Si Lea Salonga pa lang ang Filipino artist na nakapag-perform sa Dubai Opera at ngayon, ang Hello, Love, Goodbye naman ang sasalta roon.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Nagkaroon na ng international screening ang Hello, Love, Goodbye na dinaluhan pa nina Kathryn at Alden. Hindi ini-expect na marami ang demand na ibalik ang pelikula at sa Dubai Opera pa ipalalabas.

Ang ganda sana kung makadadalo sina Alden at Kathryn sa screening sa Dubai Opera, kaya lang, busy na si Alden sa taping at promo ng teleserye niyang The Gift. In fact, nasa Kadayawan Festival sa Davao City si Alden sa August 23, to promote his teleserye. Makakasama niya sina Mikee Quintos, Thia Tomalla, Ysabel Ortega at Martin del Rosario roon.

Pero malay natin, magawan ng paraan na makalipad pa-Dubai sina Alden at Kathryn para mas matuwa ang mga Pinoy na manonood sa pelikula.

-Nitz Miralles