WALA nang puknat ang ginagawang konstruksyon sa mga venues para sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre.

Doble kayod na ang mga workers para matapos ang kinakailangang pasilidad sa Subic, New Clark City at Rizal Memorial may apat na buwan ang nalalabi para sa hosting ng biennial meet.

Kabilang sa tinututukan ang world class Athletes Village.

Kamakailan ay nabigyan ng pagkakataon ang Balita na makalibot sa mga isinasagawang venues para sa nasabing 11-nation meet kasama ang Philippine Sports Commission (PSC).

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Bukod sa pagbisita sa mga venues, ipinasilip din ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang ginagawang Athlete’s Village na siyang inilaan para maging tahanan ng mga national athletes at ng ilang iba pang atleta buhat sa ibang bansa.

Nasa kabuuang 87porsyento na ang nagagawa sa nasabing dormitoryo ng mga atleta, at inaasahang magagamit na ito sa mga susunod na linggo.

Ang Ath;ete’s Village ay may 525 na kuwarto na may sariling nga banyo, pantry at gym na maaring gamitin ng mga atleta.

Sa nasabing 525 na kwarto, pahihintulutan ang 2 hanggang 3 atleta sa bawat isang kwarto upang maging komportable ang mga atleta na maninirahan dito.

“Soon our athletes’ dormitory ready so that the athletes can already stay here. Wake up in the morning and use the facility anytime they want which is just across the road,” pahayag ni BCDA president na si Vince Dizon.

Magsasagawa ng training ang ilang national athletes sa BCDA ngayong unang linggo ng Setyembre upang subukin ang bagong gawang pasilidad, bukod pa dito ay gagamitin din para sa Philippine Open ng Swimming bilang SEA Games qualifying game ang Aquatic Center ngayong huling linggo naman ng Agosto.

-Annie Abad