Mga Laro Ngayon
(Paco Arena)
1:00 AC vs Adamson
3:00 n.h. -- Air Force vs Lyceum
5:00 n.h. -- Coast Guard vs Perpetual
SISIMULAN ng defending champion Go-for-Gold Air Force ang title-retention bid sa pagsagupa nila sa Lyceum ngayong hapon sa pagbubukas ng 2019 Spikers' Turf Open Conference sa Paco Arena.
Magtutuos ang Jet Spikers at ang Pirates sa ikalawang laro ng nakatakdang triple header sa opening day ng torneo na may kabuuang 24 koponan na kalahok kabilang ang 10 club teams at 14 na school-based teams.Ganap na 3:00 ng hapon ang tapatang Air Force at Lyceum,pagkatapos ng unang laro ganap na 1:00 ng hapon sa pagitan ng Emilio Aguinaldo College at Adamson University.
Bukod sa Air Force, ang iba pang kalahok na club teams ay ang Reinforced Conference champion Cignal HD Spikers, PLDT, Philippine Army, Philippine Navy, Philippine Coast Guard, Philippine National Police, IEM, VNS Volleyball Club, Sta. Elena-NU, at Easytrip-Raimol.Kabilang naman sa school-based squads ang UAAP Season 81 runner-up Far Eastern University, Ateneo de Manila University, University of Sto. Tomas at De La Salle University.
Nariyan din ang mga NCAA teams University of Perpetual Help System-Dalta, Emilio Aguinaldo College, Arellano University, San Sebastian College-Recoletos, Mapua University, at Lyceum.Kasama rin nila ang Centro Escolar University, at National College of Business and Arts.
Magtutuos naman sa huling laro ganap na 5:00 ng hapon ang Coast Guard at Perpetual.Base sa format, hinati ang mga koponan sa apat na grupo na may tig-6 na miyembro na maglalaban sa single round-robin. Ang top two teams sa bawat pool ay uusad sa quarterfinal stage kung saan ang mga top-seeded squads ay may twice-to-beat advantage.
Maglalaban ang top-ranked teams ng Pool A at Pool C para sa Group 1, gayundin ang Pool B at Pool D teams para sa Group 2.Ang magwawagi sa Groups 1 at 2 ay maghaharap sa best-of-3 semifinals series, kung saan ang mananalo ay maghaharap sa best-of-3 championship series at ang matatalo ay maglalkaban para sa bronze. Marivic Awitan