ISANG Canadian Collegiate team ang magdaragdag ng ningning sa pag-arangkada ng buwenamanong ligang basketball para sa kabataang manlalaro sa Metro Manila-ang Asian Hoops Summit Manila Showcase sa Agosto 16-18 sa Jose Rizal University.
Ayon kay event organizer Don Dulay ng Davao Cocolife Tigers , ang ligang kanyang itinatag kaagapay si coach Mat Makalintal, ay hangaring mabigyan ng pagkakataon ang ibang collegiate players na wala sa aksiyon ng NCAA ,UAAP at iba pa na maipakita ang kanilang talento at mapatunayang kasing-taas din nila ang antas at kalidad ng kumpetisyon.
“We believe in giving equal opportunity to our young players that are playing even those in team B” s or from club teams. .Given the proper break,they will excel in this new league with the same level and quality competition in their games that will attract basketball afficionados here in Manila,” pahayag ni Dulay.
Sinabi naman ni Makalintal na bagamat ito ay isang experimental league,optimistiko siyang magtatagumpay ito upang maisunod kaagad ang mas mahabang liga na lalahukan pa ng mas maraming dayuhang collegiate teams sa madaling hinaharap.
Ikinatuwan ni Davao Cocolife Tigers deputy manager Ray Alao sa pagtatag ng liga nina Dulay at Makalintal at siniguro niyang susuportahan ang liga sa kanyang payak na kakayahan.
Kalahok sa liga ang San Beda, Letran,Mapua,JRU,FBA,Passion Sports,Hotshots Basketball at Rise Up Hoops- Canada.