IBINUNYAG ni Gerald Anderson na mas maganda na ang kanyang pakiramdam at nananatili siyang positbo sa kabila ng kinasangkutang kontrobersiya.
“Sa rami ng negativity, alangan naman na maging negative pa ako ‘di ba?” sabi ni Anderson nang kapanayamin ng ABS-CBN.
Ayon sa aktor, ang tanging paraan para malabanan ang negativity ay ang maging positibo.
“With positive thinking, positive vibes, and doing something positive also. Siyempre marami nang negative energy, and when you channel that in a right way, may magagawa kang mabuti.”
Dagdag pa ni Gerald, ang goal niya ay maging mas mabuting lalaki at tao.
“Kapag may challenge na darating sa buhay mo, laging may natutuhan tayo e.
“Ang pinakaimportante doon is, we learned something from all of this,” pagtatapos niya.
Nitong Sabado ay nag-post siya ng larawan niya sa kanyang Instagram (IG) at aniya sa caption, “once the storm is over you won’t remember how you made it through, how you manage to survive. You won’t even be sure, in fact, whether the storm is really over. But one thing is certain. When you come out of the storm you won’t be the same person who walked in. That’s what this storm’s all about. – Haruki Murakami, Kafka on the shore.”
-GABRIELA BARON