NAKUMPLETO ng Solid San Juan ang matikas na paghahabol sa double digits na bentahe para maagaw ang 77-71 panalo kontra Octagon at makamit ang kampeonato sa Metro League 13-and-under boys basketball tournament nitong Linggo sa San Juan Gym.

TINANGGAP ni Justin Tan ng Solid San Juan ang tropeo bilang Best Coach matapos gabayan ang koponan sa kampeonato sa 13-under class ng Metro League

TINANGGAP ni Justin Tan ng Solid San Juan ang tropeo bilang Best Coach matapos gabayan ang koponan sa kampeonato sa 13-under class ng Metro League

Mula sa 49-60 pagkakabaon sa final period, umarangkada ang La Salle Greenhills-backed squad sa matikas na 22-9, tampok ang krusyal basket ni Zio Hizon para maagaw ang bentahe sa 71-69 may 2:01 ang nalalabi sa laro.

Mas naging agresibo ang San Juan sa pagbubunyi ng home crowd para muling ilarga ang 6-2 run, tampok ang triple ni Janeil Peralta para makumpleto ang come-from behind win sa M-League na inorganisa ng Metro Manila Development Authority (MMDA), sa pakikipagtulungan ng Philippine Basketball Association (PBA) at Barangay 143.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Hataw si Hizon sa naiskor na 10 puntos, anim na rebounds at dalawang assists, habang kumana si Michael Zion Cortez, anak ni Blackwater Elite PBA player Mike, at Peralta ng 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Kumana rin si tournament Most Valuable Player Bryan Andrei Hachuela ng 14 puntos, pitong boards at apat na blocks sa liga na suportado rin ng

Synergy 88, World Balance, Excellent Noodles at San Miguel Corporation.

Nakasama ni Hachuela sa Mythical Five sina Kyn Meneses Vicente (Octagon), Manuel Dabao (Muntinlupa), Vince Richard Hagos (Caloocan) at Neil Joaquin Abequibal (Makati).

Iskor:

Solid San Juan (77) – Hachuela 14, Cortez 11, Z. Hizon 10, Peralta 10, Gomez 8, Muyuela 7, Jugo 6, Romero 4, Atienza 4, Villavicencio 3, Maravilla 0, Natividad 0, J. Hizon 0, Alian 0, Torres 0.

Octagon (71) – Lopez 15, Ebdane 15, Arejola 9, Valdeavilla 8, Prado 4, Galindez 3, Manalad 3, Kua 3, Maneja 2, Sison 2, Herrera 2, Padolina 2, Tan 2, Vicente 1, Timbol 0.

Quarterscores: 25-18, 38-34, 58-49, 77-71