MAKARAANG aminin ni Gerald Anderson kay Dennis Padilla na nanliligaw umano siya kay Julia Barreto, ay mariin naman niyang itinanggi na ang dalaga ang third party sa paghihiwalay nila ni Bea Alonzo.
Nagulat kasi si Bea sa sinabi ni Gerald na nanliligaw siya kay Julia gayung wala siyang alam na hiwalay na pala sila, dahil ang alam lang niya ay basta na lang siyang hindi kinausap ng aktor. ‘Ghosting’ kumbaga.
Nitong Lunes, Agosto 5 ay nakapanayam ni TV Patrol reporter Ganiel Krishnan si Gerald at inamin niya na matagal na silang wala ni Bea.
Ayon sa aktor, “siguro ang nangyari, just like in any relationship, we had small (misunderstanding).
“Let’s say we had that fight, after fight, after fight. We had that one big fight. Do’n niya inilabas lahat ng emotions, lahat ng feelings.
“And then, ‘yung realization na hindi na siya masyadong healthy and we’re just hurting each other. Ayaw mo na talaga.
“And after that, you got to stay strong and disciplined para umiwas muna sa communication.
“Walang ibang tao na naging dahilan ng break up. Para sa akin, it’s always been our personal issues, things inside our relationship.”
Walang binanggit ang aktor kung kailan sila saktong nag-away at hindi na nag-usap ng dating karelasyon.
Mukhang hindi pa tapos ang isyu dahil tiyak na hihingan naman ng reaksyon si Bea tungkol sa pag-aming ito ni Gerald.
Anyway, nakuha pa rin ni Bea ang simpatiya ng lahat dahil ang katwiran nga ay dapat may closure o sana ay nakipaghiwalay nang maayos si Gerald.
Samantala, may nag-tsika naman sa amin na sinadyang hindi raw sumama ni Gerald sa San Francisco, California USA kung saan may show ang ASAP Natin ‘To para hindi siya makaistorbo sa tambalang Joshua Garcia at Julia, na kahit break na ay marami pa ring supporters.
Oo nga, tama lang din dahil tiyak na magiging kontrabida si Gerald kung sakaling nandoon siya.
Iisa naman ang sabi sa amin ng mga kakilala naming TFC subscribers, “for sure sila na ni Julia, kunwaring nanliligaw palang.”
Well, hintayin na rin natin kung kailan aamin ang dalawa.
-Reggee Bonoan