Si Mylene Dizon lang ang choice ng producer cum direktor ng pelikulang Belle Douleour na si Atty. Joji Villanueva Alonso na entry niya sa 2019 Cinemalaya na mapapanood na ngayong araw sa Cultural Center of the Philippines Main Theater.

Ayon kay Mylene ay makulit si Atty. Joji nu’ng i-alok sa kanya ang Belle Douleour dahil kasalukuyan silang nasa party ni Dreamscape Entertainment head, Deo T. Endrinal na hindi siya makapag-enjoy at makapag-concentrate dahil panay ang bulong sa kanya ng Quantum producer.

“Maski gusto kong pumunta sa kabilang side hindi ko magawa kasi katabi ko siya, panay ang giit at may gusto pang ipapanood sa akin,” natatawang pambubuking ng aktres.

Kaya ang ending napapayag na rin ang aktres na nag-atubili nu’ng una dahil nga sa sensitive scenes.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Sige gagawin ko na ‘yan! Kahit hindi ako makaikot sa party! Ha! Ha! Ha! Oo nahirapan siyang i-convince ako. Also iniiisip ko rin, hindi maiwasan, iniisip ko rin ‘yung sasabihin ng mga anak ko. ‘Yung partner ko. I have to take that into consideration. Hindi siya basta-basta. ‘Yes, direk, gagawin ko na ‘yan! Kasi party ito,” pambubuking ni Mylene.

Ang gist ng pelikula ay nagkagusto ang si Mylene kay Kit dahil na rin sa udyok ng mga kaibigan at dito ay muling naging makulay ang buhay niya dahil bagets ang partner bukod pa sa mainit sa sex.

Kaya pagkatapos ng presscon ay natanong ang aktres kung nagpaalam siya sa boyfriend niyang si Jason Webb sa mga eksena nila ni Kit.

“Nagpaalam ako pero hindi siya nangingialam sa career ko kasi for a time kasi I didn’t want to work. One time we’re hanging out sa labas ng bahay namin, sabi niya (Jason), “you know people say you do well, you act, you can deliver. If you don’t act, you’re not exercising your talent or you’re doing disservice to your craft. Kaya nagtrabaho ulit ako, bumalik ako sa pag-arte. Lumalaki na kasi ‘yung mga bata. My Thomas is already 14,” kuwento ni Mylene.

Dagdag pa na kahit hindi nangingialam si Jason sa career ni Mylene ay humingi pa rin ng permiso ang aktres, “kasi may mga delikadong eksena. Ikinuwento ko ‘yung mga eksena, sabi ko ‘should I it or not, what do you think?’”

Matagal pa bago nahanap kung sino ang perpektong leading man ni Mylene kaya nu’ng nagpaalam siya sa boyfriend niya ay hindi niya binanggit si Kit.

Literally ay 23 years ang age gap nina Mylene (45) at Kit (22) kaya natanong ang aktres kung posible siyang magkagusto sa sobrang bata sa kanya ngayon kung sakaling walang Jasonsa buhay niya.

“Hindi kasi malapit na sa edad ni Thomas, he’s 14. At ang tingin ko kay Thomas adult na, he’s taller than me na. Saka hindi ko kaya ‘yun (makipagrelasyon sa sobrang bata) mamatay ako. Kung mas may edad sa akin okay lang,” paliwanag ng aktres.

Kaya ang eksenang na-in love siya kay Kit sa pelikula siya nahirapan dahil, “bagets, eh. Kung in love ka, dapat totoong in love, hindi ‘yung in love-in love lang.”

Hiningan naman namin ng reaksyon si Mylene sa sinabi ni Kit sa solong panayam namin na pinigilan niyang ma-turn on sa aktres sa mga love scene.

“Alin ang pag-telag (private part)? Ang husay naman niyang pumigil,”tumawang sabi ng aktres.

Wala ba siyang naramdaman at kung meron man ay mapapahiya ba siya, “hindi, magmamaganda pa ba ako? Naku, ayaw ko na direk! Magga-ganu’n pa ba ako? E, di maganda!” tumatawang sabi ng aktres sabay inom ng tubig.

Pero nang hingan ng 1-10 score si Kit ay sinabi ng aktres, “9 kasi siyempre jowa ko ang 10. Baka naman maloka ‘yun na pareho kami kung sakaling 10 din si Kit.” Natatawa pang sabi ni Mylene.

Tatlo ang love scenes nina Mylene at Kit sa Belle Douleur at matindi ang huli na ayaw ipakuwento ni Direk Joji.

Kasama rin sa pelikula sina Marlon Rivera, Hannah Ledesma at Jenny Jamora mula sa Quantum Films.

-Reggee Bonoan