UMANI ng suporta ang Philippine South East Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) mula sa pribadong sektor para sa paghahanda sa hosting ng 30th South East Asian Games.

Kinatawan ni PHISGOC Chief Operating Officer Ramon Suzara ang PHISGOC sa paglagda sa kasundun nitong Martes matapos ang ginanap na Broadcast Conference sa Sofitel Manila.

Kabilang na ang Skyworth Group Limited at Cignal TV Inc. sa listahan ng mga pribadong kompanya na nagpahayag nang pagayuda sa paghahanda ng pamahalaan sa biennial meet.

Kinatawan ang Skyworth, nangungunang supplier ng technology solutions, ni General Manager Johnny Wang, habang lumagda para sa Cignal TV, premyadong Direct to Home (DTH) satellite provider, ni President at CEO Jane Basas.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

“We are confident that we can raise the standards of hosting to world-class level given the support and trust given by numerous private and international partners,” pahayag ni Suzara.

Sa kabila ng kontrobersya, iginiit ng PHGISGOC na nasa tamang direksyon ang lahat para masiguro ang tagumpay ng SEA Games.

“The positive support that we get from the President as well as the entire Filipino nation boosts the morale of all the members of the organizing team,” aniya.

Nauna rito, kumasa rin sa sponsorship ang Mikasa, Marathon, Molten at Asics, sa pamamagitan ng Sonak Corporation; national carrier Philippine Airlines; Ajinomoto at Pocari Sweat.

-Annie Abad