Na-bash na naman si Alden Richards ng haters niya sa naganap na concert nilang Hello, Love, Goodbye, A Celebration of Love ang Music sa Skydome, SM North EDSA.

Present ang buong cast ng movie na sina Kathryn Bernardo, Alden, Joross Gamboa, Kakai Bautista, Lovely Abella at Jeff Tam. Maraming Kapamilya artist din ang nag-perform sa show kabilang si Angeline Quinto.

Part ng show ang parang press conference kung saan nagkuwento ang cast tungkol sa kaganapan sa shooting nila sa Hong Kong. Kuwento ng isang nanoood naming friend, may itinanong daw ang host ng show kung ano ang puwede nilang ipalit sa ‘Love’ sa title na Hello, Love, Goodbye.

Ang sagot ni Alden ay Morocco, at ‘tila natigilan ang audience dahil pinakinggan nila ang explanation ni Alden. “Hindi raw maganda ang experience niya sa pagpunta nila ni Maine (Mendoza) sa Morocco dahil hindi sila nakagala at hindi raw kagandahan ang mga lugar na pinuntahan nila. “Literally, shoot lang at ‘Hello, Morocco, Goodbye na’.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ang tinutukoy ni Alden ay ang shoot nila ni Maine sa nasabing lugar para sa Mega Magazine. Kasama nila ang mother ni Maine, si Nanay Dub, sa pagpunta roon at trabaho agad ang inatupag nilang dalawa. Sobrang init din daw ng panahon noon dahil summer, kaya hindi sila nagkaroon ng oras na makapasyal man lamang.

Kaiba raw ang napuntahan ni Alden sa mga lugar na pinuntahan nina Kathryn at Daniel (Padilla) sa Morocco, dahil magaganda raw ang lugar na napuntahan ng couple. Kaya advice ni Kath kay Alden, i-try daw nitong bumalik sa Morocco, dahil marami talagang magagandang lugar doon. Natandaan naming may isang showbiz couple ding halos nakasabay nina Alden at Maine na dumating doon, at base sa mga photos na ipinost nila, kaakit-akit talaga ang mga lugar sa Morocco.

Anyways, wala namang dapat ikagalit ang mga bashers sa sinabi ni Alden, dahil iyon naman ang totoo.

Nine days to go na lang, sa July 31, ay showing na sa mga sinehan sa buong bansa ang Hello, Love, Goodbye na idinirek ni Cathy Garcia-Molina for Star Cinema.

-Nora V. Calderon