MULI tayong pabibilibin ng multi-media princess na si Nadine Lustre, na kakapanalo lang ng back-to-back Best Actress award sa FAMAS at Gawad Urian, at ng total performer na si Sam Concepcion sa pinaka-epic dance movie ng taon, ang Indak.

Ang Indak ay tungkol sa simpleng dalagang si Jen (Nadine), na nakatira sa isang isla. Mahilig siyang sumayaw, ngunit hindi niya ipinapakita sa ibang tao ang kanyang husay.

Hanggang sa nag-viral ang video niya na nagsasayaw siya, at napanood ito ni Vin (Sam), lider ng dance group na Indak Pinas. Inimbitahan ni Vin si Jen na pumunta sa Maynila at sumali sa kanilang grupo.

Nakumbinse ni Vin si Jen na sumali sa grupo nila, nang sinabi niya na lalaban sila sa world dance championship sa South Korea, at kailangan nila ang isang katulad ni Jen.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sa Maynila, tinulungan ni Vin si Jen na hasain ang galing sa pagsasayaw, at masanay sa buhay-Maynila. Sa kanilang pagsasayaw, unti-unti rin nilang nahanap ang indak ng kanilang mga puso.

Kasama ang buong Indak Pinas, kailangan nilang ibigay ang pinakamaganda at pinakamagaling nilang performance.

Ngunit, sa gitna ng mga problema at pagsubok, kaya ba nilang gumawa ng sayaw na magpapabilib sa buong mundo?

Bukod sa magagandang choreography, maririnig din sa Indak ang official soundtracks ng pelikula na Sumayaw sa Indak ni Nadine, featuring Pio Balbuena and Shehyee; gayundin ang madamdaming version ni Sam ng Ikot-Ikot, at ang mahugot na version ni Janine Teñoso ng Hindi Tayo Puwede.

Sa direksiyon ng number one concept director na si Paul Alexel Basinillo, ang Indak ay kinuhanan sa magandang isla ng Bantayan sa Cebu, at sa South Korea.

Watch Indak, ngayong August 2, sa mga sinehan, and for sure kahit sa upuan ay mapapaindak kayo, sa true lang.

-MERCY LEJARDE