Naguwi ng apat na medalya ang koponan ng Philippine Juniors Judo sa prestihiyosong Hong Kong Asian Juniors and Cadets Judo Cup na nagtapos kahapon sa Tin Shui Sports Centre, Hong Kong.

Dalawang medalya ang naiuwi ni UST junior High School Felice Ann Barbuco matapos niyang kunin ang pilak sa Junior’s division at ang tanso naman sa Cadets’ division.

Dinaig si Barbuco ni Tseng Chih-Jou ng Chinese Taipei para sa championship ng Juniors Half-Heavyweight division (-78kgs), habang siniguro naman nito ang tansong medalya sa Cadets heavyweight division (+70kgs) ng talunin si Ashley Lim ng Singapore. Napunta ang gintong medalya sa Cadets kay Sydnee Andrews ng New Zealand at silver medal kay Hikari Otaka ng Japan.

Kinapos naman si John Carlos Aniciete sa championship ng Cadets middleweight (-90kgs) division ng talunin siya ni Han Changsu ng South Korea sa (-90kgs) para makuha lamang ang silver medal. Nakuha naman nina Siriwat Laokhum ng Thailand at Tze Ning Tan ng Malaysia ang parehong tansong medalya.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Ibinulsa naman ni Chino Sy ang isa pang tansong medalya para sa bansa sa Half-middleweight (-81kgs) category ng junior’s division ng talunin nito si Kim Do U ng South Korea.

“This is a great experience for our student-athletes lalo na yung pagkapanalo nila against top caliber athletes. This is a welcome development for their preparation in the upcoming UAAP,” pahayag ni Philippine team juniors and cadets Head Coach Paul Michael De Vera.

Sumabak din sa naturang two-day event sina Ralph Jefferson Suarez (-55kgs), Yul Versoza (-60kgs), Troy Anthony Estrella (-60kgs), Ian Christopher Talob (-66kgs), Ezekiel Cunanan (-66kgs), Givan Benzonan (-66kgs) Hammie Munoz (-73kgs (-90kgs), Thomas Ariola (-90kgs), Nate Concepcion (-90kgs), Joshua Quizon (+90kgs), Lea Quimba (-70kgs) at Kathleen Ferriols(+78kgs).

Ang mga ito ay pawang mga student-athletes ng University of Santo Tomas na naghahanda sa kanilang pagsabak sa 82nd season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) judo championships.

Mahigit 15 bansa ang naglalaban-laban sa naturang event na ito sa walong kategorya sa panig ng boys at girls division bilang parte ng World Ranking Qualification event na inorganisa ng Judo Association of Hong Kong, China sa ilalim ng International Judo Federation (IJF).