NAKAKUHA ng magandang ratings ang GMA Afternoon Prime series na Dragon Lady kaya naman ilang beses itong na-extend, ganung six days a week ito napapanood, from Mondays to Saturdays, after ng Eat Bulaga.

EA at Janine

Natanong ang bida ng serye na si Janine Gutierrez kung sino sa mga cast members ang mami-miss niya kapag natapos na ang serye sa Sabado?“First of all, I’m thankful and happy,” masayang sagot ni Janine sa last taping day nila ng serye kamakailan.

“Masaya kasi kami talaga rito. ‘Yung bonding namin, dahil nga halos puro girls kami, si Almira (Diana Zubiri), Vera (Maricar de Mesa), Astrid (Joyce Ching) at nadagdag pa ang kuwelang si Calixta (ex-Sexbomb dancer Aira Bermudez).

Events

Lotlot, sinabing pareho nang kumakanta sa langit 'Mommy at Mamita' niya

“Kaya kapag oras ng lunch or dinner, tsikahan, kainan. Kung minsan na puwede kaming lumabas, lumalabas kaming magkakasama. Iyon, mami-miss ko ang grupo.

“Mami-miss ko rin si Edgar Allan Guzman, kasi siya ang lagi naming kasama sa mga eksena. Nakakatuwa na may mga supporters na kami, ang Goldina; for Goldwyn na name ni EA at name ko as Celestina.

“May clamor nga ang mga netizens na kami ni EA ang magkatuluyan. Gusto ko rin sana, dahil si Goldwyn napaka-selfless ng character niya, at okay na katrabaho siya talaga.

“Kahit mabigat ‘yung eksena, medyo dumadali kapag siya kaeksena ko, dahil napakahusay niya, at madadala kang umarte rin.

“Kaya ang lungkot ng eksenang nag-propose si Goldwyn kay Scarlet pero tinanggihan siya. Ang iyak ni Goldwyn, at madadala ka kasi maaawa ka sa kanya.”

Ayaw sagutin ni Janine kung muling ipakikita ni Yna ang pagiging dragon niya bago matapos ang serye? Sa tumatakbong story ngayon, nahulog si Yna sa patibong ni Goldwyn na sumama siya rito, without knowing na nag-double cross na sa kanya si Goldwyn sa galit nito sa kanya at kay Michael (Tom Rodriguez) na mas pinili nito kaysa sa kanya.

Ang pagiging Dragon Lady nga lang kaya ang makapagliligtas kay Yna?

“Abangan, abangan!” nakangiting sagot ni Janine.

-NORA V. CALDERON