Agad na nag-viral si Jane de Leon nang i-announce ng Star Cinema ngayong Miyerkules na siya na ang gaganap bilang bagong Darna sa pelikulang laging nauudlot.

Jane de leon

Jane de leon

Simula nang makuha ng ABS-CBN ang rights ng masterpieces ng pamosong nobelista ng komiks na si Mars Ravelo, dalawang aktres na ang napili at hindi natuloy dahil sa injury.

May iniindang sakit sa likod si Angel Locsin dulot ng pagkakahulog sa kabayo sa shooting ng nakaraang project kaya umatras. Si Angel din ang pinakahuling gumanap bilang Darna sa pinakahuling reincarnation ng legendary Pinay superhero nang gawin itong TV series ng GMA-7.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Natuwa ang movie-going public nang kalaunan ay ipahayag ng Star Cinema na si Liza Soberano na ang gaganap sa pelikula, pero hindi rin siya natuloy dahil sa nabaling daliri habang ginagawa ang teleseryeng Bagani. Inoperahan sa Amerika kamakailan ang daliri ni Liza at kasalukuyan pang nagpapagaling.

Si Jane de Leon, 20 years old ngayon ay isa sa mga alaga ng Star Magic, member ng Girltrends at napansin ng maraming manonood nang gumanap bilang kapatid ni Jericho Rosales sa teleseryeng Halik. Napanood din siya sa pelikulang The Debutantes (2017) at Walwal (2018).

"Pinresent na si Jane sa amin a couple of years ago, and among all the 13 noon na Mr. M (Johnny Manahan) presented from Star Magic, natatandaan ng isang talent handler na 'Inang, napansin mo na siya noon, itong batang ito p'wedeng sumali ng beauty pageants. And then I saw her again in Halik. Sabi ko, 'itong batang 'to, meron.' There's something about her," pahayag ng managing director ng ABS-CBN Films na si Olivia Lamasan sa exclusive report ni MJ Felipe na inilabas ng ABS-CBN News ngayong Miyerkules.

Ibinunyag din ni Direk Olive sa naturang report na, "'Yung Darna story natin ngayon is a genesis story, a coming of age. Ang requirement talaga is somebody na young and with an air of innocence but at the same time a strength of character."

Mahigit 300 ang nag-audition para sa pinag-aagawang role pero tanging si Jane lamang ang nakitaan nila ng lahat ng mga katangian na kanilang hinahanap.

Karamihan sa Pinay actresses ay nangangarap gumanap sa iconic characters na nilikha ni Mars Ravelo.

Sa midas touch ng iconic role, mapapahanay si Jane de Leon sa iilang mapalad.

-Dindo M. Balares