DIDDIBAN ang pagsasanay para paghandaan ang malaking torneo. Ngunit, sa isang kisap-mata nabalewala ang lahat dahil sa maling pag-inom ng medisina at food supplement.
Para masiguro na walang bahid ang sistema sa mga ipinagbabawal na substance ng World Anti-Doping Agency (WADA), ipinakilala sa merkado ang Klean Athlete – ang pinakabago at kompletong nutritional supplement para sa mga atleta at health buff.
“Klean Athlete is the clean choice for complete nutrition for athletes, promoting peak performance by fuelling and fortifying with a solid nutritional base to fully support an athlete’s training and overall well-being, thus making it the new frontier for sports nutrition,” pahayag ni Sofia Lista, Managing Director of Klean Athlete-Philippines sa ginanap na product launch nitong Miyerkoles sa The Club ng Alphaland sa Makati City.
Malaking alalahanin sa mga atleta ang naglilipanang bitamina at food supplement sa merkado. Kabilang sina basketball star Kiefer Ravena ang nagong biktima nito matapos masuspinde ng FIBA bunsod nang substance na nakuha sa kanyang sistema na bawal sa WADA.
“Hindi naman natin masisisi ang mga atleta dahil wala naman silang alam na yung mga content na iniinom nilang energy drink ay may halo pala na ipinagbabawal ng WADA. Sa Klean Athlete, sigurado po tayo dahil dumaan ito sa pagsusuri ng US Food Authority at WADA,” pahayag ni Lista.
Sa naturang event, ipinakilala rin ang unang batch ng Kleen Athlete ambassadors na sina MMA practioner Elle Adda, boxing coach Amy Berezowski, triathlete Mark Hernandez, multi-sports coach Jojo Macalintal, triathlete Pablo Miro, runner Fabio Duque, baseball player Ignacio Escano at medical researcher Dr. Ben Valdecanas.
“As Klean Athlete has been expanding globally, its introduction to the Philippine market has also been taking stride. Klean Athlete is now advocated by our very own team of world class athletes who live, train and compete at the highest level,” sambit ni Lista.
-Edwin Rollon