SA July 31 pa ang showing nationwide ng Hello, Love, Goodbye, ang first movie team-up nina Kathryn Bernardo at Alden Richards for Star Cinema, pero ngayon pa lang ay marami na ang excited na mapanood ang movie nila.

Kathryn at Alden

Tungkol ang pelikula sa mga millennial na napilitang magtrabaho sa ibang bansa, partikular na sa Hong Kong—kung saan nag-shoot ang movie—para matulungan ang kanilang pamilya rito sa Pilipinas.

Marami nga ang nagpasalamat na bago nagkaroon ng serye ng malawakang kilos-protesta sa Hong Kong—laban sa deportation policy ng China—ay natapos nang mag-shooting doon ang cast ng movie, sa pangunguna ni Direk Cathy Garcia-Molina.

Relasyon at Hiwalayan

Sue at Dominic, mag-jowa na raw: 'Para mag-kiss na kayo, something is happening!'

Lalo pang na-excite ang mga fans nina Kathryn at Alden nang lumabas ang poster na nagsasabing showing worldwide ang Hello, Love, Goodbye.

It seems gumawa ang mga fans ng kani-kanilang poster na tulad ng official digital at international posters na ini-release ng Star Cinema.

Ang poster sa bawat bansang bansang magpapalabas ng pelikula ay nasusulat sa kanilang national language.

Ilan sa nag-post na ng kanilang poster ang Malta, na ang screening ng Hello, Love, Goodbye ay sa August 1; Saipan, screening on August 2; Greece, screening on September 9; Middle East, screening on August 8 & 9; Australia, screening on August 8; Spain (Hola, Amor, Adios) screening on September 1; at Cambodia, screening on August 25.

Nag-release na rin ng poster ang Vietnam, pero ia-announce pa lang nila ang petsa ng screening ng Hello, Love, Goodbye sa kanilang bansa.

Nag-announce na rin sina Alden at Kath last Saturday, July 6, sa show nila sa SMX Convention Center, na personal silang a-attend ng premiere night ng kanilang movie sa Dubai on August 9, at sa Abu Dhabi sa August 10.

Wala pang schedule na screening ng movie sa United States and North America.

-NORA V. CALDERON