Nadepensahan ni Amanda Nunes ang kanyang bantamweight title sa pamamagitan ng isang head kick na naging sanhi ng pagpapatigil sa lara sa unang round kontra kay Holly Holm sa UFC 239.

Amanda Nunes

Amanda Nunes

Nanatiling reyna si Nunes sa pound-for-pound sa kanyang nakamamatay na istilo kung saan inihiga niya sa sahig si Holm kasunod ang tamang pag sipa sa ulo sa huling 50 segundo ng labanan sa first round.

Si Holm ay siang beteranong boxer at kickboxer na siyang nagpataob kay Ronda Rousey upang pagwagian ang bantamweight belt, ngunit si Nunes ay isa naman 135-pounder bago ang una.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Samanta si Jorge Masvidal naman ay pinataob din si Ben Askren sa isang flying knee technic sa huling seconds sa isa pang labanan sa UFC 239.

Dati nang nagsasagupa sina Masvidal at Askren kung saan magkabilang insultpo ang kanilang ipinapaabot sa bawat isa sa tuwaing maghaharap.

Nagpakawala ng dalawang suntok si Masvidal sa walang malay na si Askren bago pa man naipahinto ang laban