CATBALOGAN CITY, Samar – Inilunsad kamakailan ng Department of Information and Communication Technology (DICT) sa lungsod na ito ang Technology for Education, Employment, Entrepreneurs and Economic Development (Tech4ED).

Pinangunahan nina Mayor Dexter Uy at DICT Visayas Cluster Field Operations Officer Eleazar Badrina ang pagbubukas ng center kamakailan sa City Hall ng Catbalogan.

“This is a program that is available to all sectors. For those

who can’t be accommodated in this center, we also have a training center where they can visit and avail of this program,” ani Banadrina.

Nanindigan naman ng suporta si Uy sa programa na, aniya’y, magbibigay ng oportunidad sa mga lokal upang maisulong ang pagpasok sa digital education.

“It aims to empower people through various skills training and learning opportunities. It enables access to crucial ICT services and resources and transforms the quality of lives of Filipinos,” paliwanag ni Uy.

“Not all local government can receive this platform and Catbalogan City is fortunate to be chosen by the DICT. With this, I encourage everyone to make use of this opportunity,” aniya.

Ang Tech4ED ay isang proyekto ng DICT na nagkakaloob ng oportunidad sa mga indibiduwal at komunidad na maging bahagi ng digital education, na nagsusulong ng inklusibong pag-unlad at poverty reduction sa pamamagitan ng pagbibigay ng hanapbuhay at pagsusulong sa mga entrepreneur, gayundin sa mga komunidad upang magkaroon ng access sa mga impormasyon, komunikasyon at teknolohiya.

Nagbibigay rin ito ng pagkakataon sa mga marginalized sector tulad ng mga kabataan at persons with disabilities (PWDs) na makapasok sa digital education at makakuha ng trabaho.

Mayroong anim na segment kung saan maaaring makuha ng Tech4ED ang kanilang hangarin. Sa pamamagitan ng eEduSkills, na nagbibigay sa mga gustong mag-aral ng High School Diploma sa pamamagitan ng informal education; ang eAssist na nagkakaloob ng digital at employment sa mga grupo at mahihirap na komunidad; eAssess na nagbibigay sa mga estudyante ng industry partnerships na magbibigay naman sa kanila evaluation upang agad makakuha ng trabaho.

Mayroon ding ibang segment tulad ng mAgri, na tumutulong sa mga magsasaka, kooperatiba, agribusiness, at food processors sa pamamagitan ng pagtulong na makakuha ng mga real-time information price market; ang mMarketplace na nagbubukas sa mga bagong kakumpitensiya sa merkado mula sa mga malalayong komunidad; at ang eGovServ na nagbibigay sa mga residente ng mga serbisyo ng pamahalaan at mga impormasyon tungkol dito.

PNA