PINANGUNAHAN nina Reinforced Conference Most Valuable Player King Destacamento ng Bacoor Strike sa Serbisyo at 17-and-under MVP John Sherick Estrada ng Caloocan-Arceegee ang mag top awardees sa Metro League.

DESTACAMENTO: MVP sa M-League Reinforced

DESTACAMENTO: MVP sa M-League Reinforced

Naitala ni Destacamento ang averages na 8.7 puntos, 7.5 boards at 1.9 assists, ngunit sapat na ito para pangunahan ang Strikers sa kampeonato sa M-League Reinforced tourney na itinataguyod ng Metro Manila Development Authority (MMDA), Philippine Basketball Association (PBA) at Barangay 143.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Sa 67-60 panalo sa Game 3 ng Bacoor, kumana si Destacamento ng 13 puntos at 13 rebounds.

Nakasama si Destacamento sa Reinforced Conference Mythical Five ang kasanggang sina Paolo Castro (13.1 points, 2.5 rebounds, 3.0 assists) at Johnnel Rey Bauzon (12.3 points, 7.8 rebounds) ng Caloocan, gayundin sina All M-League Mythical Team sina Reneford Ruaya (Valenzuela) at ex-pro Jonathan Uyloan (Taguig) sa torneo na suportado rin ng Global Technologies, Inc., Spalding,  Team Rebel Sports, PLDT at Manila Bulletin as media partner.

Sa 17-and-under boys basketball division, nanguna si MVP Estrada ng champion squad Caloocan-Arceegee sa Mythical Five kasama sina tournament leading scorer Jericho Reyes ng Las Pinas, Jericho Mateto ng Makati,Alfonso Buot ng North Division finalist Quezon City at Mark Angelo Torrijos.

Tinanghal namang Best Import si Bacoor big man Prince Orizu na nakapagtala ng averages ng 11.1 points at 8.2 rebounds.