Durant,Leonard at Irving, ‘big fish’ sa merkado ng free agency

NEW YORK (AP) – Sino ang mananatili? Saang bakuran maglilipat ang mga star players?

ALL-Star cast sa NBA free agency.

ALL-Star cast sa NBA free agency.

Masasagot ang matagal nang nakabitin na katanungan sa pormal na pagbubukas ng free agency para sa mga free agent na players sa NBA sa Linggo (Lunes sa Manila).

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nakatakdang makipagpulong si Kawhi Leonard sa Los Angeles, habang makikipag-almusal si Kevin Durant sa Manhattan sa New York.

Bubuksan ng NBA teams ang mga checkbooks para sa matinding negosasyon at panliligaw sa mahigit 200 players na available sa merkado at bukas para pumirma ng bagong kontrata sa dating koponan o sa ibang lungsod.

Nangunguna sa listahan sina Leonard, pundasyon ng makasaysayang kampeonato ng Toronto Raptors; gayundin ang one-time MVP na si Durant, kasalukuyang nagpapagaling ssa tinamong injury sa Finals ng Warriors sa NBA.

“Some people could say, ‘Oh my God, look at all that player movement,’” pahayag ni NBA Commissioner Adam Silver. On the other hand, that player movement could be very positive for a lot of teams.”

Bukod sa dalawa, libre rin para sa negosasyon sina Kemba Walker, Klay Thompson, Nikola Vucevic, Al Horford at Khris Middleton. Bukas na libro ang isyu hingil sa pagnanais ni Kyrie Irving na lisanin ang Boston. Kasabaynito, naibalita ng Associated Press nitong Sabado na ipinaalam na ni All-Star point guard Kemba Walker kay NBA icon Michael Jordan ang pagnanais na bumitaw sa Charlotte Hornets para sa Celtics. Tila nais ni Irving na maglaro sa Brooklyn Nets.

Walang kontrata ang papayagan ng NBA hanggang Hulyo 6 ngunit may pagkakataonna ang mga players na pumasok sa negosasyon.

“There’s a lot of obviously decisions that will go into the summer,” pahayag ni Golden State guard Stephen Curry. “And we’ll deal with those accordingly.”

Lahat ay kailangang maghanda. Wala nang mapagpipilian.

Kung sakali, magiging balanse ang lakas ng mga koponan, sakaling umalis si Durant sa Golden States at iwan ni Leonard ang Toronto Raptors sa napapabalitang paglipat nito sa Los Angeles Lakers.

“I just want to play and just let people remember that I played hard at both ends of the floor, I was a winner, and that’s basically it,” sambit ni Leonard. “I’m just here enjoying my dream, having fun.”

Hindi makalalaro si Durant sa kabuuan ng season bunsod ng injury sa Achilles. Ngunit, nag-alok na sa kanya ang Golden State ng US$221 million, five-year contract.

“I know what I bring to the team but I also know that a lot of people on the outside, you know, don’t like to see us together.. You know, I get it,” sambit ni Durant.

Nag-alok din ang Warriors ng US$190 milyon five-year contract kay Thompson na nagpapagaling dins a natamong ACL.

“A lot of things are going to happen,” pahayag ni Raptors guard Danny Green, isa ring free agents ngayong summer.