Patay ang maybahay ng isang pulis, habang sugatan ang kanilang paslit na anak, nang aksidenteng pumutok ang baril ng parak, habang natutuloy ang mag-ina sa kanilang bahay sa Tondo, Maynila, ngayong Biyernes ng madaling araw.

Arrested man in handcuffs with hands behind back

Dead on arrival sa Mary Johnston Hospital si Marilyn Pagar, 35, customer service representative, habang under observation pa sa pagamutan ang anak niyang si Kendra Pagar, tatlong taong gulang.

Kusang-loob namang sumuko sa kanyang mga kasamahan si Cpl. Jhon Lester Pagar, 31, nakatalaga sa Moriones Police Station ng Manila Police District (MPD).

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Batay sa ulat ng MPD-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), nabatid na dakong 1:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa bahay ng mga Pagar sa Kasipagan Street, kanto ng Matimtiman Street sa Tondo.

Lumilitaw sa salaysay ni Jonjon Pagar, 51, ama ng suspek, kay Cpl.Richard Panaga na kararating lang ng suspek sa kanilang bahay matapos mag-basketball, habang natutulog naman sa silid ang mag-ina nito.

Inilabas umano ng pulis ang dalang service pistol at aalisin sana ang mga bala nito nang aksidenteng pumutok.

Tumagos umano ang bala sa dingding ng silid, at nang puntahan ng pulis ang kanyang mag-ina ay laking panlulumo niya nang makitang kapwa sugatan at duguan ang mga ito.

Sa tulong ng mga kapitbahay at mga kaanak ay isinugod ng pulis ang mag-ina sa pagamutan ngunit patay na ang ginang, na tinamaan sa kaliwang balakang, habang under observation pa ang bata, na nabaril sa ibabang bahagi ng likod.

Narekober ng mga pulis sa crime scene ang isang Glock 17 pistol, isang magazine na may 13 bala, at isang basyo ng bala ng .9mm.

-Mary Ann Santiago