PANGUNGUNAHAN ng mga dating UAAP MVP na sina Marck Espejo at Bryan Bagunas ang Philippine Men’s Volleyball team na sasabak sa 2019 Thailand Open Sealect Tuna Championships sa darating na Hulyo 4 -10.

Kasama nilang isasabak sa Thailand sina John Vic De Guzman (PLDT), Mark Alfafara (PLDT), Ranran Abdilla (Air Force), Rex Intal (Cignal), Peter Torres (Cignal), Kim Malabunga (Air Force), Francis Saura (Air Force), Jack Kalingking (Navy), Ricky Marcos (Sta. Elena), Jessie Lopez (Air Force), Kim Dayandante (Sta. Elena), at Ish Polvorosa (Cignal).

“Una, naging basis diyan is ‘yung kakayahan ng mga bata, ‘yung pwedeng mabilisan maka-adapt ng mga gusto naming mangyari,” pahayag ni national coach Dante Alinsunurin sa ginawa nilang pagpili ng mga nasa national pool na pawang naglalaro sa 2019 Spikers Turf.

Pinayagan ng organizer na makasali ang senior squad ng Pilipinas na makasali sa torneing para sa mga under-23 spikers.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Samantala, lalahok din ang under-23 women’s team ng bansa sa nasabing regional meet.

Ang koponan na gagabayan ni Kungfu Reyes ay pinangungunahan ng mga Tigresses na sina Mafe Galanza, Lyn Galdones, Ysa Jimenez, Maji Mangulabnan, Rachelle Roldan, Imee Hernandez at Janna Torres.

Kasama nila sina Angel Canino ng De La Salle Zobel, Ivanna Agudo, Lyann De Guzman, at Celine Domingo ng Far Eastern University, Rossie Rosier at Jewel Encarnacion ng University of the Philippines at Justine Jazareno nh DLSU.

Ang dalawang koponan ay aalis patungong Thailand sa Hulyo 3.

-Marivic Awitan