SENTRO ng usapain ang paghahanda sa 30th Southeast Asian Games anti-doping program sa “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) bukas sa National Press Club sa Intramuros.

Ipaliliwanag ni Dr. Alejandro Pineda, head of the Philippine Anti-Doping Organization (PHI-NADO), ang kahalagahan ng anti-doping preparations para sa gaganaping SEA Games sa Nobyembre.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Makakasama niya sa lingguhang sports forum ganap na 10:00 ng umaga si Pocari Sweat Events and Marketing Manager Nelia Ramos.

Makikiisa rin sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), NPC. Community Basketball Association (CBA), Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) at HG Guyabano Tea Leaf Drink ni Mike Atayde, sina Pilipinas Sambo Federation, Inc. (PSFI) secretary-general Paolo Tancontian, Chino Sy Tancontian, Patrick Manicad, Jedd Kim, Patrick Dos Santos and coaches Ace Larida, Jasmin Kim at Paolo Vitug; gayundin si National Chess Federation of the Philippines (NCFP) director Martin “Binky” Gaticales.

Ibibida ni Tancontian ang Russian martial arts na sambo at ang bagong tatag na asosasyon na tinanggap bilang associate member ng Philippine Olympic Committee sa ginanap na General Assembly meeting noong Hunyo 2018.

Sina Sy Tancontian at Manicad ay kapwa nagwagi ng gintong medalya sa men’s sambo events sa 2nd Southeast Asian Sambo Championhips kamakailan sa Kota Bandung, Indonesia.

Ibibigay naman ni Gaticales, director ng Philippine Executives Chess Association (PECA), ang ilalargang “Search for the Next Super GM”.

Inaanyayahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang mga miyembro at opisyal na makibahagi sa sports forum na mapapanood ng live sa Facebook via Glitter Livestream ni actor-director Carlo Maceda.