SA media conference ng Korean superstar na si Park Bo Gum sa Sunset Pavillion ng Sofitel Philippine Plaza nitong Biyernes, sobrang higpit ng hotel security sa entrance pa lang ng hotel at isa-isang tinatanong kung fans o taga-media ang mga pumapasok, dahil may listahan sila.
Kaya ‘yung mga fans na wala sa listahan ay natengga sa entrance pa lang. At habang papasok ka na sa lobby ng hotel, ilang marshals pa ang dadaanan bago makarating sa venue ng presscon, kung saan ang dami-daming supporters ang naroon na binigyan ng access card.
Sa tagal naming dumadalo ng presscons ay itong Park Bo Gum’s 2019 Asia Tour: May Your Every Day Be A Good Day ang pinakamabilis natapos, dahil eksakto ito nang nagsimula at natapos. Kinse minutos lang tumagal ang Q and A, kasama na ang photo op ng ABS-CBN Events at ilang Ovation Productions executives, na producer ng event. Ka-partner nila ang talent management agency ng Korean actor na Blossom Entertainment.
Aminado kaming sina Lee Min Ho, Kim Rae Won (Love Story in Harvard), Rain (Full House) at Gong Yoo (Goblin) lang ang pamilyar sa amin kaya naman nang makatanggap kami ng imbitasyon para sa presscon ni Park Bo Gum ay talagang nag-research kami.
Susme, siya pala ‘yung bidang lalaki sa koreanovelang Love in the Moonlight, na gumanap bilang crown prince.
Napahanga kami nang husto sa Korean superstar dahil marunong siyang magsalita ng English, na malaking bagay para sa Filipino media at fans, para maintindihan siya at mabilis ang komunikasyon, kumpara sa ibang Korean stars na kailangan pa ng interpreter.
At higit sa lahat, hindi nawawala ang mga ngiti ng Korean actor simula nang humarap siya sa lahat, kaya naman tuwang-tuwa sa kanya ang mga dumalo sa presscon.
Pero aminado si Park Bo Gum na ninenerbyos siya nang humarap sa Pinoy entertainment press.
“I really want to come here. I’m so nervous, I really want to come here. I’m really honored to be here,” sabi ni Bo Gum, na hiniyawan ng mga fans.
Inamin din niyang ikatlong beses na niyang pumunta sa Pilipinas, at memorable ang pagpunta niya sa bansa.
“I’ve been here twice before. First was when I was acting in the drama Wonderful Mama. The second time was the reward vacation after the drama Love in the Moonlight. The Philippines is where I did snorkelling, the very first time here that remains in my memory,” nakangiting kuwento ng binata.
Natanong kung anong role ang gusto pang gawin ni Bo Gum, at sinabi niyang marami pa siyang gustong ipakita.
“I have to try new roles and performance,” sagot niya.
May nagsabing bagay ding gumanap na high school student ang binata, dahil nga young-looking siya talaga.
Ang bagong pelikula ng aktor ay ang Seo Bok, at makakasama niya sina Gong Yoo at Jong Woo Jin.
“It’s an interesting story, the movie title is Seo Bok. I play a human clone, who has the secret to eternal love. I’m just happy to work with amazing actors, Gong Yoo sunbaenim, Jong Woo Jin sunbaenim, the actors I admire. It’s a really good movie so please watch it,” sabi ni Bo Gum.
A n o a n g p i n a k a p a b o r i t o n g k a r a k t e r n a n a g a m p a n a n n i y a ? “All the characters remain in my memory because all of the characters in dramas are so precious to me. Every character I played has something in common with me. Also there a lot of things I wanted to learn emulate in those characters.”
Samantala, excited daw si Bo Gum para sa meet-and-greet with the fans, na ginanap kahapon sa Mall of Asia Arena.
Nitong Biyernes nga, panay ang kaway niya sa mga fans na nakapasok sa venue.
“I haven’t meet my fans yet, but I am so grateful for their support and love. Thank you so much. Thank you for your support, and love, and blessings. Let’s have fun tomorrow and let’s have a good memory together. Bless you,” sinabi ni Bo Gum nitong Biyernes.
-REGGEE BONOAN