INAASAHAN ang 60 teams sa pangunguna ng Team United ang masisilayan sa 1st Hampton Gardens Tatlohan Chess Team Tournament 2000 limit rating sa Linggo sa Hampton Gardens, 100 C. Raymundo Avenue sa Maybunga, Pasig City.

“We hope to do well in the 1st Hampton Gardens Tatlohan Chess Team Tourney,” sabi ni team manager Gabriel Libre na nagbayad na ng registration fee para sa kanyang apat na Team na kinabibilangan ng Team United A, B, C at D.

Makakasama ng Team United ay ang Quantum Zero A and B, Welcome Taft Team, Team Larry W,X,Y and Z, Caine Knight Chess Team, Team Gideons, Top Secret, Sikretong Malupit,Team Caniogan at Pasig City Chess Association at iba pa.

Ang Team United B na nirendahan nina John Perzeus Orozco, Eder De Jesus, Randy Culangan at team manager Gabriel Libre ay sariwa pa sa pagkampeon sa Tatluhan Open Chess Team Tournament na ginanap sa third floor League One Southgate Mall sa Makati City nitong Linggo.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Sa katunayan dinomina ng Team United B ang Rapid Team event dahil sa superior tie break kontra sa fellow 12 match points Sikretong Malupit na sinelyuhan naman nina Mc Dominique Lagula, Jayson Danday, Joseph Lawrence Rivera at team manager Eduel Santos.

Bawat koponan ay binubuo ng tatlong manalaro an may average National Chess Federation of the Philippines (NCFP) rating na 2000. Puede lumahok ang Master at Woman Titled Player sa nasabing team tournament.

Ayon kay tournament organizer Genghis Katipunan Imperial, ang one-day National Chess Federation of the Philippines sanctioned tournament ay seven round Swiss System format na ipapatupad ang 20 minutes match point system na may 5 seconds delay bawat manlalaro.

Maiuuwi ng magkakampeon ang P30,000, ibubulsa ng second placer ang P20,000, habang nakalaan sa third hanggang seventh ang tig P10,000, P6,000, P4,000, P3,000 at P2,000, ayon sa pagkakasunod.

May special prizes para sa top team performer sa top 1920 and below, top College team, top High school team at top Lady team na tig P1,000 habang nakalaan sa individual gold medal winner mula board one, two at three ang tig P500.

Ang advance registration fee ay P3,000 habang ang On-Site registration ay P3,200. Ang deadline ng entries sa Hunyo 18.

Para sa karagdagang detalye, makipag-ugnayan kay Genghis Katipunan (0926-251-4205).