Mga Laro Ngayon

(Caloocan Sports Complex)

6:00 p.m. Caloocan-Arceegee vs. Bacoor Agimat (Game 2 of best-of-3 17U Metro Finals)

7:30 p.m. Caloocan-Gerry’s Grill vs Bacoor Strike sa Serbisyo (Game 2 of best-of-3 Metro Finals)

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

HUMAKBANG palapit sa target nilang ‘Cinderella Run’ ng Metro League Reinforced (Second) Conference ang Bacoor Strike sa Serbisyo matapos gapiin ang Caloocan nitong Martes sa Strike Gym sa Bacoor City, Cavite.

NADOMINA ng Bacoor Agimat ang Game 1 ng kanilang championship duel sa Caloocan Junior Supremos.

NADOMINA ng Bacoor Agimat ang Game 1 ng kanilang championship duel sa Caloocan Junior Supremos.

Pinataob ng Bacoor Strike sa Serbisyo ang Caloocan-Gerry’s Grill Spremos, 78-72, para makamit ang 1-0 bentahe sa best-of-3 Metro Finals series.

Tatangkain nilang maangkin ang titulo sa pagpalong Game 2 ngayon sa Caloocan Sports Complex.

Namuno si Mark Pangilinan ng team-high 15 puntos, tatlong assists at dalawang rebounds upang pamunuan ang wala pa ring talong Strikers sa panalo at pagpigil sa paghahabol ng Supremos sa men’s championship opener.

Isang panalo na lamang at makakamit na nila ang korona ng import-flavored conference sa una nilang pagsali sa liga na suportado ng Metro Manila Development Authority (MMDA), Philippine Basketball Association (PBA) at Barangay 143.

Nagawang ibaba ng Supremos ang 13 puntos na lamang ng Strikers sa fourth quarter hanggang apat, 72-76, may nalalabi pang 3:27 sa oras sa pamumuno ni Joseph Brutas.

Mula roon, nagtala ang Bacoor ng limang free throws at ibinalik sa 74-65 ang kanilang bentahe may natitira pang 1:44 sa laro.

Nagdagdag naman si Nigerian big man at top Best Import candidate Prince Orizu ng double-double 1

puntos at 12 rebounds kasunod si King Descamento na may 12-puntos at 11-rebound para sa South Division champion sa ligang itinataguyod ng Synergy 88, World Balance, Excellent Noodles at San Miguel Corporation.

Nanguna naman si Brutas na may 16 puntos at limang rebounds para sa North Division champion ng liga na suportado rin ng Gerry’s Grill, Summit Water, Alcoplus, Nature’s Spring, Goodfellow, SMS Global Technologies, Inc. bilang official livestream and technology partner, Spalding bilang official ball, Team Rebel Sports bilang official outfitter, PLDT bilang official internet service provider at Manila Bulletin bilang media partner.

Target naman ng Bacoor Agimat na makumpleto ang double victory nang manaig sa Callocan-Arceegee Junior Supresmos, 85-81, sa Game 1 ng 17-under class finals.

Marivic Awitan

Iskor:

(17U FINALS GAME 1)

Bacoor City Agimat (85) – Torrijos 23, Macalalag 19, Villarin 17, Porcadas 10, Gutierrez 3, Bautista 2, Cornand 2, Pablo 2, Buhay 0, Melencio 0, Torno 0

Caloocan-Arceegee (81) – Estrada 31, Pancho 19, El-Hag 12, Gazzingan 8, Bustria 5, Santos 4, Gines 2, Principe 0, Valencia 0

Quarterscores: 17-12, 39-32, 63-63, 85-81

(REINFORCED FINALS Game 1)

Bacoor Strike sa Serbisyo (78) – Pangilinan 15, Orizu 13, Descamento 12, Castro 8, Ramirez 8, Aquino 7, Malabag 7, Acuna 4, Bugarin 2, Montuano 2, Miranda 0, Ochea 0

Caloocan-Gerry’s Grill (72) – Brutas 16, De Mesa 13, Darang 11, Niang 11, De Leon 8, Enriquez 6, Bauzon 4, Sombero 2, Tay 1

Quarter scores: 27-18, 49-35, 61-52, 78-72