GANAP ng Gin King si Stanley Pringle.

pringle

Inaprubahan ng PBA Commissioner’s Office ang trade ng 32-anyos playmaker sa Ginebra kapalit nina Sol Mercado, Kevin Ferrer at Jervy Cruz sa NorthPort.

Inalis sa trade ang karapatan sa first-round pick na kabilang sa orihinal na usapan.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Dagdag sa punong-puno nang back court ng Ginebra si Pringle, first overall sa 2014 PBA Rookie Draft, na kasalukuyang binubuo nina veteran LA Tenorio, Scottie Thompson at bagong kuha ring si Jared Dillinger.

Sa limang taong paglalaro sa Batang Pier, palagiang kandidato si Pringle sa Best Player of the Conference award, ngunit mahabang panahon siyang nagpahinga sa 2019 season matapos sumailalim sa surgery sa kanang paa.

Natupad naman ang nais na ‘reunion’ ni NorthPort coach Pido Jarencio sa mga dating players sa University of Santo Tomas na sina Ferrer at Cruz, habang balik saGlobalPort franchise si Mercado na huling naglaro sa Batang Pier noong 2014.

Kaagad na sumabak sa ensayo ng Ginebra si Pringle kahapon para mas magamay ang sistema ni coach Tim Cone.

Sa kanyang Instagram photo na kuha sa 2014 draft sa GlobalPort, pinasalamatan niya ang team management.

“Couldn’t be more thankful and grateful for the journey. Stay focused, stay consistent, stay positive, and keep moving forward,” pahayag ni Pringle.

Inaasahang makakalaro siya sa laro ng Ginebra kontra NLEX sa Linggo sa Batangas City Coliseum