KAIBA sa kahulugan, ang “Alsa Masa” ay malayo sa rebolusyon ng masa.

Ang photo exhibit sa Museo ni Emilio Aguinaldo na tinawag na “Alsa Masa” ay isang pagtatampok ng mayamang kasaysayang ng tradisyon ng mga panaderia sa Cavite, kung saan ang “alsa” ay tumutukoy sa pagtaas ng volume o pag-alsa, habang ang “masa” ay tumutukoy sa proseso o pagmamasa.

May titulong “Alsa Masa: Cavite Bakery Traditions”, tatakbo ang exhibit hanggang sa Hunyo 21 at bahagi ng Glimpses of Cavite exhibition program ng Museo De La Salle.

Sa pagbabahagi ni MDLS Director Cecille Torrevillas-Gelicame nitong Lunes, sinabi niyang layunin ng exhibit na magbigay-pugay sa ilang piling panaderia (bakeries) sa Cavite, na kuhang larawan ng tubong Cavite na photographer, si Ohsie Austria.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Mula sa inspirasyon ng aklat na Panaderia: Philippine Bread, Biscuits and Bakery Traditions, “the exhibition aims to highlight a rich aspect of the province’s culinary traditions,” pahayag ni Gelicame.

Aniya, ang exhibit ay “reflection of Caviteños joys, passion and triumph to sustain a local bread tradition despite the rapid development in the province, advent modernization environmental challenges, growing opportunities for people to work in other industries, completion and diversification of palates due to globalization.”

Binuo ang exhibit sa pakikipagtulungan ng National Historical Commission of the Philippines, culinary historian Ige Ramos, Canon, Cavite Studies Center at ang probinsiyal na pamahalaan ng Cavite sa pamamagitan ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office, tampok ang Dizons Bakery (itinatag noong 1930), Pan Antigua ng Benuete Family (itinayo noong 1935), Baloy’s Bakeshop, Kaibigan Bakery, Malens Bakeshop, Naceda Bakery, Roadside Breads and Burgers (dating Tony Baruete’s Bakery) at Silang Bakery.

Matatagpuan ang Museo ni Emilio Aguinaldo sa Kaingen village sa bayan ng Kawit, Cavite at bukas mula alas-8 ng umaga hanggang alas kuwatro ng hapon mula Martes hanggang Linggo.

PNA