MULING ginapi ng Petro Gazz ang Bali Pure Purest sa loob ng straight sets, 25-19, 25-22, 25-18, upang manatiling walang talo sa PVL Reinforced Conference Season 3, nitong Linggo sa Imus Sports Complex sa Cavite.

Nakakasiguro na ng semifinals slot, napahaba ng Angels ang naitalang winning run sa 7 laban habang kabaligtaran naman ang kapalaran ng Purest Water Defenders na nalugmok sa ika-6 na dikit nitong kabiguan.

Sa isa pang laban, binawian naman ng baguhang Motolite ang mismong team na unang tumalo sa kanila sa liga, ang PacificTown–Army na inungusan nila sa isang 5-set thriller, 25-23, 21-25, 17-25, 25-21, 15-13.

“Against a team like Army, we respect them a lot. As a veteran team, they don’t make a lot of errors. I’m just proud of our team, our fight, our perseverance,” pahayag ni Motolite coach Air Padda.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Sinandigan ng Motolite sina imports Channon Thompson at Krystle Esdelle upang umangat sa markang 2-4.

Tumapos si Thompson na may 28 puntos upang pamunuan ang come-from-behind kasunod si Esdelle na may 23 puntos.

Nanguna naman si import Olena Lymareva-Flink at Honey Royse Tubino para sa Lady Troopers sa ipinoste nilang 25 at 19 puntos ayon sa pagkakasunod.

Nanatili ang Lady Troopers sa ikatlong puwesto sa kabila ng pagbaba nila sa patas na markang 3-3, panalo-talo.

-Marivic Awitan