DAVAO CITY – Nangibabaw si American heavyweight Ronald Johnson, gayundin ang mga Pinoy fighters na sina Aries Buenavidez at Joe Tejones GBO (Global Boxing Organization) fight night nitong Sabado sa The Enderun Tent Azuela Cove, Barangay Lanang dito.
Ginapi ng dating WBC United States (USNBC) champion Ronald "The American Dream" Johnson (16-1, 4 KO's) ng Las Vegas, Nevada, ang beteranong si "Phoenix Assassin" Saul Farah (69-24-3, 60 KO's) ng Bolivia para makamit ang bakanteng GBO Heavyweight belt.
Pinahanga ni Johnson, sinanay ni veteran Puerto Rican coach Manny Hernandez, ang crowd sa kanyang impresibong porma at diskarte sa ibabaw ng ring. Tumayong referee ang Pinoy na si Danrex Tapdasan.
Sa co-feature, pinatumba ni Davao gladiator Aries Buenavidez (14-3, 7 KO's) ang mas malaki ngunit batang Ifugao fighter Roy Nagulman (8-1, 6 KO's) para sa GBO Bantamweight Strap.
Ang 17-anyos na si Nagulman ay bahagi ng Team ni coach Abel Martin – ama ni IBA champion Carl Jammes Martin.
Nadomina siya ng mas beteranong si Buenavidez, 23.
Sa iba pang resulta, nagwagi si Bukidnon southpaw Joe Tejones (13-6, 7 KO's) kay KJ Natuplag (8-1-2, 7 KO's) ng Lagawe, Ifugao.
Nanaig naman si Orlie Silvestre (14-5-1, 8 KO's ) ng Isulan City, Sultan Kudarat, kay 18-year-old Jenuel Lauza (5-7, 5 KO's) ng San Pablo, Laguna, sa eight-rounder unanimous decision triumph.
Nagwasi si Reymark Ibones ng General Santos City (3-0-1, 1 KO) via majority decision kontra Royder Lloyd Borbon (5-7-1, 5 KO's) ng Sultan Kurarat.