May 21, 2025

Home BALITA National

4.4-magnitude na lindol, tumama sa Sultan Kudarat

4.4-magnitude na lindol, tumama sa Sultan Kudarat
Courtesy: Phivolcs/website

Isang 4.4-magnitude na lindol ang tumama sa Sultan Kudarat nitong Sabado ng madaling araw, Abril 26, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:47 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 36 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Lebak, Sultan Kudarat, na may lalim na 10 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

National

Bam Aquino, inukit sa dahon; nangakong palalawakin 'Libreng Kolehiyo'

Intensity II - Kalamansig at Lambayong, SULTAN KUDARAT; Santo Niño, SOUTH COTABATO

Intensity I - CITY OF ZAMBOANGA; Siocon, ZAMBOANGA DEL NORTE; Norala, SOUTH COTABATO

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.