Iniimbestigahan na ng Commission on Elections (Comelec) si Lanao del Sur Provincial Police Director, Col. Madzgani Mukaram dahil sa umano’y pamomosas at pamamahiya sa isang election officer sa loob ng polling precinct sa Bayang ng nasabing lalawigan, nitong nakaraang midterm elections.

PULIS

Ito ay matapos ireklamo ni Bayang Election officer (EO) Alican Kapampangan si Mukaram sa Legal Department ng Comelec kaugnay ng insidente.

Sa kanyang complaint affidavit, sinabi ni Kapampangan na ang insidente ay naganap sa loob ng isang school building na nagsisilbing polling center, noong Mayo 13, dakong 11:00 ng umaga.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Dumating aniya ang grupo ni Mukaram sa lugar at galit na galit umano ito na sinabihan siya “kung bakit hindi itinalaga bilang miyembro ng Board of Election Inspectors (BEIs) ang mga tauhan nito.”

Habang nagpapaliwanag aniya ito ay kaagad na iniutos ni Mukaram sa mga tauhan nito na iposas siya.

Paliwanag ni Kapampangan, napahiya siya sa naging aksyon sa kanya ni Mukaram, lalo nang ipakapkap ito sa mga tauhan nito kasabay ng pagpapahubad sa kanyang pantalon sa harap ng mga botante.

Dahil dito, nalabag aniya ang karapatang-pantao nito at hindi na rin nito nagampanan ang kanyang trabaho na alinsunod sa Omnibus Election Code at sa iba pang umiiral na batas.

Matatandaang inihayag ng Philippine National Police (PNP) kabilang ang nabanggit na lalawigan sa “areas of concern” kung saan maaaring magsilbi ang mga pulis bilang miyembro ng BEIs kapag nag-inhibit ang mga guro na regular na miyembro nito.

-Ali G. Macabalang