Isinasailalim pa rin sa retraining ang natitirang 15,000 riders ng motorcycle hailing-app service na Angkas bilang paghahanda sa pagsisimula ng anim na buwang pilot run nito, sa huling bahagi ngayong Hunyo.

SAFETY ANG NUMERO UNO Ipinakikita ng motorcycle safety instructor na si Karl Tuguib sa mga rider ang ligtas na paraan ng pagsakay sa motorsiklo, gayundin ang bagong special reflectorized vest na may side straps na hawakan ng pasahero, na nakatutulong upang madaling makita ang mga rider sa gabi, sa Angkas retraining course sa Quezon City ngayong Huwebes, bilang paghahanda sa pagbabalik-pasada ng mga Angkas riders. (ALI VICOY)

Ito ang ipinahayag ni Angkas Regulatory and Public Affairs Head George Royeca, sinabing layunin lang nilang makasunod sa alituntunin ng pamahalaan.

“All of our biker-partners go through rigorous riding skills assessments, written tests, and extensive safety training to ensure they meet very high safety standards. We fail over 70% of applicants to make sure that only the most capable ferry passengers for Angkas,” paliwanag ni Royeca sa pulong balitaan sa Malate, Maynila, nitong Miyerkules.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Umaasa naman ang operations chief ng Angkas na si David Medrana na maisasailalim nila sa pagsasanay ang kabuuang 27,000 Angkas rider na nasa kanilang sistema, bago pa matapos ang buwang ito.

“Currently, we have re-trained 12,000, there is an additional 15,000 more to fully train the 27,000 before we can launch the pilot,” ayon kay Medrana.

Inaasahan naman ni Royeca na masisimulan nila ang dry run sa ikatlong linggo ng buwan.

“Hopefully by third week of June or last week of June, we can resume our operations, this time legally,” paniniyak ni Royeca.

Bukod sa safety tests, inoobliga rin ng kumpanya ang kanilang mga riders na magsuot ng special reflectorized vests, na may side straps na hawakan ng mga pasahero habang sila ay bumibiyahe, lalo na sa gabi.

Paglilinaw pa ni Royeca, nakasulat sa bawat vest ng mga driver ang kanilang ID number upang masigurong pawang rehistradong riders lang ang nakakakuha ng bookings.

-Erma R. Edera