Magpapadala na naman ang pamahalaan ng karagdagang Marine commandos sa Sulu upang magsagawa ng opensiba laban sa Abu Sayyaf Group (ASG).

DEPLOYMENT (22)

Inihayag ng tagapagsalita ng Philippine Marine Corps na si Capt. Felix Serapio, Jr., kailangan nang malipol ang naturang bandidong grupo na mahigit dalawang dekada nang kumikilos sa lalawigan.

Sa ngayon aniya, hinihintay na lamang nila ang kautusan ng pamunuan ng Philippine Navy (PN)para sa tuluyang pagpapadala ng mga tauhan ng Marine Battalion Landing Team 8 (MBLT8) sa lugar.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Ang Marines aniya ay pinangangasiwaan ng PN.

“The deployment of the Marines there is because of the guidance of the President to focus the operation in Sulu in order to really finish off the Abu Sayyaf,” paglalahad nito.

Nauna nang ipinadala sa Cagayan ang nabanggit na military unit kung saan sila isinasailalim sa siyam na buwang retraining program.

Ayon kay Serapio, malapit nang matapos ang nasabing programa kaya susubukan nila ang bagong kakayahan ng nasabing mga sundalo sa pamamagitan ng pagpapadala sa kanila sa Sulu.

Sinabi pa ni Serapio na itinatag ang ASG noong 1990s hanggang sa lumawak ang grupo dahil na rin sa pagkalap ng mga bagong miyembro sa mga karatig-lugar ng Tawi-Tawi at Basilan at nagsagawa ng serye ng pagdukot sa mga turista.

-Aaron Recuenco