Dear Manay Gina,

Ako ay nasa early 30s samantalang ang kasintahan ko naman ay malapit nang mag-singkwenta. Dalaga po ako habang siya naman ay hiwalay sa unang asawa at mayroon nang dalawang anak. Tatlong taon na ho kaming magkasintahan.

Kung tutuusin, maganda naman ang aming relasyon at marami kaming bagay na pinagkakasunduan. Ang problema ko lamang, hanggang ngayon ay hindi niya ako niyayang pakasal. Nasa kanya ang lahat ng katangian ng lalaking gusto ko. Pero makalipas ang mahigit tatlong taon, kumbinsido akong wala na siyang balak na ako’y pakasalan. Hindi naman ako desperadang mag-asawa pero gaya ng ibang dalaga, pangarap ko ring lumagay sa tahimik at magkaroon ng sariling pamilya. Dahil dito, gusto ko nang makipag-break sa kanya. Alam kong mabuti siyang tao subalit hindi po yata kami nakatakdang maging mag-asawa habang-buhay. Ano kaya ang magandang paliwanag sa kanya kapag nagpaalam ako? --Arianne

Dear Arianne,

Bakit hindi mo sabihin sa kanya ang sinulat mong ito sa akin—that you think he’s great, but the two of you aren’t a match?

‘Yan na ang pinakamagandang pamamaalam na puwede mong sabihin sa kanya. And how smart of you not to try to stick it to him! Ito ay nagpapakita ng pagiging matured ng iyong pag-iisip. And odds are that you will land on your feet ... most likely next to someone who’s not 20 years older, with ex-wife and two children on his resume. Isipin mo na lang na ang pangyayaring ito ay isang hakbang tungo sa bagong simula sa ‘yong buhay.

Nagmamahal,

Manay Gina

“Tact is the intelligence of the heart.”

---- Oliver Wendell Holmes.

Ipadala ang tanong sa [email protected]

-Gina de Venecia