KASAMA sa controversial na Japan trip ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang celebrities natin. Bahagi raw ito ng programa para pasayahin ang ating mga kababayang OFW doon sa pamamagitan ng isang show, may isang linggo na ang nakalipas.

Bayani copy

Nitong Sabado ng gabi ay nakauwi na sa bansa ang nasa 200 delegate, kasama ang ating mga artista, gaya nina Bayani Agbayani, Philip Salvador, at iba pa.

Sa isang panayam ng PEP sa telepono kay Bayani, nilinaw nito ang isyu sa pagpunta nila sa Japan kasama ang ilang artistang sumabay sa state visit ni President Duterte roon.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Inamin ni Bayani na ang tanggapan ni Senator-elect Bong Go ang nagdala sa kanya sa Japan. Si Bayani kasi ang madalas na isinasama sa mga kampanya ni Go.

Subalit hindi masagot ni Bayani kung pareho ng sa kanya ang naging deal sa ibang celebrities na kasama sa delegasyon.

“Mapapanghawakan ko lang ang sarili ko, ha? Hindi ko alam ‘yung sa iba.

“Akala ko, blowout sa ami n , ‘yun pala, magtatrabaho kami. Kaya sabi ko kay Lenlen, matuwa na lang tayo dahil nakita naman, tinitipid talaga nila.”

Economy ticket daw ang ibinigay sa kanya ng tanggapan ni Go, pero si Bayani raw ang nagbayad para kay Lenlen, dahil gusto niya itong isama.

Aware si Bayani sa mga bashing na natanggap ni Dianne Medina, dahil parang ang defensive ng dating ng sinasabi nitong sila ng fiancé na si Rodjun Cruz ang nagbayad ng tickets nila papunta sa Japan, pero kasama sila sa mga nagbigay-saya sa mga OFW sa “Meeting with the President” sa Tokyo nitong Huwebes.

“Sabi ko nga sa kanila, dapat sinasagot ninyo nang tama ang bawat tanong. Kung ano ‘yung tanong, ‘yun ang sagot. Kasi, hindi naman puwede na ikaw pa ang magbabayad ng pamasahe mo, ‘tapos ikaw pa ang magpe-perform. Ano ka, tanga? Normal naman ‘yun, eh,” sabi ni Bayani.

Ang pagkakaalam ni Bayani, kasama talaga sa grupo si Dianne, pero ibinili raw ni Dianne ng ticket si Rodjun para samahan siya.

Si Dianne lang daw kasi ang nag-iisang babae, kaya nagpasama ito sa fiancé niya.

Nilinaw rin ni Bayani na wala siyang talent fee sa pagpe-perform sa Japan, pero okay lang daw ‘yun dahil kahit paano, naging bahagi sila sa biyaheng ‘yun ng Presidente at napasaya nila ang mga kababayan nating OFWs.

“Dito, kahit singko, wala...as in wala,” diin pa ni Bayani.

“Siyempre, ‘yung economy na ticket, alangan namang sagutin ko pa ‘yun,” katwiran niya. “Magpe-perform na nga ako roon para sa mga Pilipino para mapasaya sila,” aniya pa.

-Ador V. Saluta