Ang dating ONE Lightweight World Champion Eduard "Landslide" Folayang ay nilinaw na susubukan niya ulit na bawiin ang kanyang korona.

Kahit hindi na siya bumabata, ang 35 anyos ay malakas ang loob na kaya pa rin niyang makuha ulit ang belt niya.

“It’s just a matter of time. If we get that chance once again, why not? If I need a couple of more wins to reach that, of course, I’m open to it,” bunyag ni Folayang.

Kung seryoso nga si Folayang na susubukang ulit lumaban ay kailangan niyang maghanda sa mga malalaks na makakalaban sa lightweight division na naguumpisa na maging ang pinakamalalim na weight classes sa organisasyon.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Ang dating multi-time World Champion Eddie “The Underground King” Alvarez ay ang maaaring perpektong makalaban ni Folayang. Isa iyong dream match na siguradong yayanig sa buong mundo.

Mabilis na nahinto ang debut ni Alvarez sa The Home Of Martial Arts nang ma-knock out siya ni Timofey Nastyukhin sa quarterfinals ng ONE Lightweight World Grand Prix noong Marso.

Pero bago mamngyari ang laban na iyo ay kailangan munang tapusin ni Folayang ang namamagitan sa kanila ng matagal na niyang kalaban na si Shinya “Tobikan Judan” Aoki, dahil nagpantay sila sa unang dalawa nilang laban.

Isa pang interesanteng kalaban ay si Ariel Sexton na kamakailang umatras sa ONE Lightweight World Grand Prix semifinals.

"I think I’ve proven it time and time again. I lost before, then I was able to get back the ONE Lightweight World Title,” sabi niya.

“I lost again only to climb the ladder once more and win it back. Whatever the opportunity that would come, I won’t miss it again.”

-ONE Championship